PBBM pag-aaralan ang pagpapaliban ng barangay, SK elections –Palasyo

PAG-AARALAN nang husto ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang ipagpaliban ang nakatakdang 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Bukod diyan, sinabi rin ni Palace Communications Officer Claire Castro na isa rin sa pag-aaralan ni Pangulong Marcos ay ang bagong termino ng mga opisyal ng barangay at kabataan.
Aniya, hindi pa natanggap ng Punong Ehekutibo ang panukala.
Baka Bet Mo: PBBM nagbilin sa gov’t workers, sumubsob sa trabaho hindi sa politika
“Kapag po natanggap na po, pag-aaralan po iyang mabuti para po mapirmahan kung dapat mapirmahan, aayunan kung dapat sang-ayunan,” sey ni Castro.
Sa darating na Disyembre nakatakdang isagawa ang nasabing eleksyon, ngunit sa panukala ng Senado at Kamara, gagawin na ito sa Nobyembre sa susunod na taon at magiging apat na taon ang termino ng mga barangay official.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
