BINI pinatunayan uli ang powers sa OPM Con 2025 with James

BINI pinatunayan uli ang powers sa ‘OPM Con 2025’, nakipag-collab kay James

Ervin Santiago - July 06, 2025 - 02:00 PM
BINI pinatunayan uli ang powers sa 'OPM Con 2025', nakipag-collab kay James
BINI at James Reid

MULING pinatunayan ng Nation’s Girl Group na BINI ang kanilang magic at powers sa super successful na OPM Con 2025 na ginanap sa Philippine Arena kahapon, July 6. 

In fairness, talagang punumpuno ang pinakamalaking arena sa buong mundo na pinagdausan ng historical music event ngayong 2025 kung saan nagsama-sama ang mga pinakasikat na OPM artists sa bansa.

Isa nga sa mga humataw on stage ay ang BINI na siyang nagbukas ng concert event of the year. Paglabas pa lang nila sa stage ng Philippine Arena ay dumagundong na ang hiyawan at palakpakan ng audience.

Ilan sa mga kinanta nila ay ang mga hit tracks nilang “Karera,” “Cherry On Top,” at “Pantropiko,” kung saan nakikanta at nakisayaw pa ang mga fans habang nagpe-perform ang mga girls.

Pero ang ikina-shock ng mga Blooms ay ang biglang pag-appear ng actor-singer at record producer na si James Reid sa stage para sa bonggang collab nila ng BINI.

Feeling nga namin, parang magigiba na ang Philippine Arena habang humahataw sila on stage. Kinanta ni James ang “Di Bale” with his brown suede top at vintage pants OOTD.

Kinanta rin ni James at ng BINI ang “Secrets” na sinasabayan pa ng audience. Ayon sa mga fans ng BINI, sana raw ay magkaroon pa ng ibang collab ang dalawang OPM artists dahil pak na pak ang kanilang production number.

Todo ang pasasalamat ng BINI sa lahat ng mga nanonood sa “OPM Con 2025” na talagang sumugod sa Philippine Arena kahit na malakas ang ulan at malayo ang venue. Nag-thank you rin sila sa Puregold dahil pinagsama-sama nito ang mga pambatong OPM artists sa bansa.

Sabi naman ni Ivy Hayagan-Piedad, senior marketing manager ng Puregold, patuloy nilang ibabandera ang lakas ng OPM sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpo-produce ng mga music events tulad ng “OPM Con 2025.”

“Puregold is about building meaningful experiences for the communities we serve,” aniya pa.

Bukod sa BINI with James, humataw din sa OPM Con 2025 ang super P-pop group na SB19, sina Flow G, Skusta Clee, G22, KAIA at SunKissed Lola. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending