'Bising' magpapaulan, posibleng pumasok ulit sa bansa sa July 7

‘Bising’ magpapaulan ngayong Sabado, posibleng pumasok ulit sa bansa sa July 7

Pauline del Rosario - July 05, 2025 - 12:42 PM
'Bising' magpapaulan ngayong Sabado, posibleng pumasok ulit sa bansa sa July 7
PHOTO: Facebook/DOST – PAGASA

PATULOY pa ring magdadala ng pag-ulan ang Bagyong Bising (international name: Danas) sa ilang bahagi ng bansa ngayong Sabado, July 5.

Magugunitang lumabas ang bagyo sa ating teritoryonitong Biyernes ng tanghali, July 4, bilang tropical depression.

Ngunit lumakas ito at naging tropical storm ngayong araw ng Sabado.

Ayon sa 11 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang bagyo sa layong 460 kilometers kanluran ng Basco, Batanes at mabagal na kumikilos pa-kanluran.

Baka Bet Mo: Gerald binigyan ng ‘medalya’ matapos mag-rescue sa bagyong Carina

Ang taglay na lakas ng hangin nito ay aabot sa 75 kilometers per hour (kph) at pagbugso na hanggang 90 kph.

“The skies will still be cloudy, and heavy rains are possible over parts of Batanes and the Babuyan Islands. This is due to the trough of Tropical Cyclone Bising,” sey ng weather bureau sa isang oress briefing na iniulat ng INQUIRER.

Para sa mga hindi aware, ang “trough” ay ang buntot ng bago na karaniwang nagdadala ng ulan.

Dagdag pa ng ahensya, “And in the area of Batanes, we may still experience 50 to 100 millimeters of rainfall within a 24-hour period.”

Ayon pa sa forecast track ng bagyo, posibleng lumiko si Bising pa-hilagang silangan patungong Taiwan pagsapit ng Sabado ng gabi at muling pumasok sa PAR sa Lunes ng madaling-araw.

Gayunpaman, dahil inaasahang mananatili ito malapit sa ating area of responsibility, posible rin itong muling lumabas ng bansa sa parehong araw.

“Within this time frame, we see a low chance of issuing wind signals over any part of the country,” saad pa ng weather forcasters.

Wala ring inilabas na gale warning ang PAGASA, pero nagbabala ito ng katamtaman hanggang maalon na kondisyon ng dagat sa karagatan ng Hilagang at Silangang Luzon, habang bahagyang maalon naman sa iba pang bahagi ng bansa.

Samantala, ang natitirang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila ay makararanas ng maulap na panahon na may posibilidad ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng habagat o southwest monsoon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Visayas at Mindanao, asahan naman ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may tsansa ng pulutong-pulot na ulan at pagkulog-pagkidlat, dulot din ng habagat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending