Ruru Madrid game magkontrabida: Mas lalabas pagiging aktor mo

Ruru Madrid game magkontrabida: Alam mong mas lalabas pagiging aktor mo

Ervin Santiago - June 19, 2025 - 06:15 AM

Ruru Madrid game magkontrabida: Alam mong mas lalabas pagiging aktor mo

Ruru Madrid

SIGURADONG magiging matinding challenge para sa Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid kapag nabigyan ng chance na maging kontrabida.

Ayon kay Ruru, mula nang pumasok siya sa mundo ng showbiz ay never pa siyang gumanap na kontrabida o villain sa isang acting project.

Kaya naman excited daw siyang magkaroon ng proyekto kung saan maaari niyang ipakita sa manonood ang iba pa niyang kayang gawin pagdating sa aktingan.

Sa panayam kay Ruru para sa bagong episode ng online exclusive series ng Netflix PH na “Bida/Bida” kung saan ka-join siya sa episode na “Bida/Kontrabida”, natanong siya kung game ba siyang magkontrabida sa next projects niya.

Napag-usapan sa naturang panayam ang mga challenges bilang aktor at lead star sa isang pelikula o teleserye. Kasama rin niya sa naganap na interview ang co-stars niya sa “Bida/Kontrabida” na sina Sam Milby, JM de Guzman, at Jerald Napoles.

Ayon kay Ruru, malaki ang epekto ng magandang project at bonggang production sa performance ng isang aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Netflix Philippines (@netflixph)

“For example, itong Green Bones, dahil alam mong Ricky Lee siya at alam mong Anj Atienza siya, at mayroon ka pang Zig Dulay, automatic, madaling makuha ‘yung bawat emosyon na kailangan nilang makuha because malinaw na sa kanila kung ano ‘yung tinatakbo ng story.

“And even sa aming mga artista, malinaw sa amin kung paano ‘yung character development namin.

“Because alam mo na inalagaan ‘yung script na ‘to, ginawa ‘to dahil alam nila na ikaw ‘yung babagay para dito, dapat nabibigyan natin sila ng tamang credits for that ‘di ba?” sey ni Ruru.

Game na game rin daw ang Kapuso actor sakaling alukin siyang maging kontrabida, “Feeling ko, mayroong idea sa atin na kapag kontrabida, alam mong mas challenging siya.

“Alam mong mas lalabas ‘yung pagiging aktor mo. Never ko pang na-try na magkaroon ng role na isang kontrabida or masama ako,” paliwanag ni Ruru.

Feeling ng aktor, malaking tulong sa pagganap niya sa iba’t ibang karakter ang pagbibigay niya sa ilang bahagi ng kanyang sarili sa mga matitinding eksenang ginagawa niya.

“Real feelings ‘yung ini-invest natin. Hindi naman siya basta in-oorder mo lang kung saan at sasabihin na ‘Umiyak ka nga ngayon.’

“Hindi, eh. Totong emosyon siya so parang kailangan mo talagang balikan ‘yung pakiramdam na ‘yun,” sey ni Ruru.

Ito naman ang message niya para sa mga kabataang artista, “As long as binibigay mo lahat sa trabaho mo, ano mang klaseng project yan, kahit na ilang tao lang manonood niyan, mayroon kang maiiwan sa kanila so might as well give everything.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, lahat ng ginawang teleserye ni Ruru sa GMA 7 ay pumatok sa mga manonood kaya naman after “Lolong: Pangil Ng Maynila” ay siguradong masusundan pa ito ng marami pang malalaki at bonggang proyekto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending