Buntis isusugod sa ospital, patay sa aksidente sa Tagaytay City
NAMATAY ang isang buntis at dalawa niyang kasama sa salpukan ng dalawang sasakyan sa Tagaytay City kahapon ng madaling araw.
Base sa ulat, isusugod sa ospital si Jenalyn Embarga, ng San Fernando City, Pampanga sa ospital nang mabangga ang kanilang kotse ng isang asian utility vehicle (AUV) sa bahagi ng Bypass Road sa Barangay Zambal.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra umalma sa fake news: Hindi po ako buntis! Bilbil lang po ito!
View this post on Instagram
Nabatid na sugatan naman at pawang senior high school students ang sakay naman ng AUV.
Hinala ng mga pulis lasing ang limang kabataan, samantalang binawian din ng buhay ang dalawang lalaking kasama ni Embarga sa kanilang kotse.
Mahaharap naman ang 18-anyos na driver ng AUV sa mga kasong multiple counts of homicide, physical injuries ar damage to property.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.