Lotlot na-scam sa boneless bangus; John nabiktima ng estudyante

Lotlot de Leon na-scam sa boneless bangus; John nabiktima ng estudyante

Reggee Bonoan - June 16, 2025 - 10:01 AM

Lotlot de Leonna-scam sa boneless bangus; John nabiktima ng estudyante

John Arcilla at Lotlot de Leon

SUMAKTO kay Lotlot de Leon ang bago niyang seryeng “Sins of the Father” na kuwento ng scammer dahil nabiktima na rin pala siya noon.

Si John Arcilla ang asawa ni Lotlot sa serye bilang si Mike Trinidad na isang scammer at anak nila si Gerald Anderson na gumaganap sa karakter na Samuel Trinidad na siyang sumalo sa kasalanan ng ama.

Sa special screening at mediacon ng “Sins of the Father” sa Cinema 11 Gateway Mall 2 nitong Friday, June 13 ay natanong ang cast kung naranasan na nilang ma-scam at halos lahat ay nakaranas na pero ang iba ay hindi na lang nagkuwento.

Pero si Lotlot ay sadyang nagkuwento bilang babala na rin sa mga nagpaplanong mang-scam at sa mga posibleng maging biktima ng scammer.

Ilang taon na ang nakararaan ay nagbenta ng boneless bangus si Lotlot at para makarami ng customers at makilala ay sumali siya sa food expo.

“Dati nagbebenta ako ng bangus alam mo naman ako kailangan kong kumita ng pera, gusto nating yumaman, right?

“Many, many years ago nagbebenta ako ng boneless bangus, sumali ako sa food expo (hirit ni John umorder siya noon sa aktres).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lotlot de Leon (@ms.lotlotdeleon)

“May nag-order sa akin P80,000 worth of bangus. Binayaran ako ng managers check, tinanggap ng tao ko.

“Noong tinanggap ng tao ko diniliver, tapos pinik-ap ng isang kilalang van. Hindi ko na babanggitin kung ano, we went to the bank, fake ‘yung manager’s check.

“Pero ‘yung account number at pangalan existing doon sa bangko. Pero walang ganu’ng (muwestra ng tseke), fake ‘yung managers’ check,” kuwento ng aktres.

Hindi na raw hinabol ni Lotlot ‘yung taong nag-isyu ng manager’s check kaya payo niya, “Mag-iingat po kayo.”

Samantala, si John na scammer ang karakter sa “Sins of the Father” ay na-scam na rin sa tunay na buhay.

“Ang nag-scam sa akin ay estudyante ko sa acting, ganu’n kami ka-close kasi tawag niya nanay, tatay at ate (sa pamilya niya) and in fact ginamit niya ‘yung acting niya sa akin. Ha-hahaha!

“Buong barangay nila at mga classmates niya sa school nakuhanan (pera) niya lahat, hinabol siya at tinorture siya ng mga kaibigan niya sa isang building at tumalon siya from 3rd floor pababa at na-hospital siya then nu’ng ma-hospitalize siya, tumakas siya after several days.

“At ngayon ang alam namin sa kanya ay nagpa-change na siya ng face. Kami ni Eula Valdez, (sabay hingi ng sorry dahil binanggit ang name) ang magkasama ru’n (na-scam),” kuwento ng aktor.

Anyway, hanggang sa kasalukuyang panahon ay patuloy pa rin ang mga ahente ng NBI at PNP sa pagtugis sa mga scammer sa bansa.

Mapapanood na ang “Sins of the Father” simula sa Hunyo 23 sa Kapamilya channel, A2Z, TV5, Iwant, TFC at Kapamilya online live handog ng JRB Creative Productions headed by Julie Anne R. Benitez for ABS-CBN at idinirek naman nina FM Reyes at Bjoy Balagtas mula sa script ni Dindo Perez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina John, Lotlot at Gerald ay kasama rin sa serye sina Jessy Mendiola, Shaina Magdayao, JC de Vera, Francine Diaz, Seth Fedelin, Jerald Napoles, Jeremiah Lisbo, LA Santos, Joshua Eliason, Tirso Cruz lll at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending