Claudine lalong mauulol sa galit sa pangdededma nina Raymart at Gretchen | Bandera

Claudine lalong mauulol sa galit sa pangdededma nina Raymart at Gretchen

Cristy Fermin - November 25, 2013 - 03:00 AM


Galit na galit na naman si Claudine Barretto. Kuda nga naman siya nang kuda pero wala namang pumapansin-pumapatol sa kanya.

Kung ano-anong atake ang ginagawa niya kay Raymart Santiago pero parang hangin lang namang dumaan ‘yun sa pandinig ng ama ng kanyang mga anak.

Inuupakan din niya si Gretchen, pero hindi naman siya direktang sinasagot ng nakatatanda niyang kapatid, ang kanilang inang si Mommy Inday ang ginagawang panghimagas ng sosyalerang aktres.

Nakakabuwisit nga naman ang ganu’n na galit na galit na siya, lumalabas na ang kanyang mga litid sa leeg sa matinding inis, pero wala namang nagbibigay ng atensiyon sa kanya.

Diretso na niyang nasasabing loser ang kanyang mister, umbagero at bastos, ganu’n na siya katinding magparating ng akusasyon ngayon laban kay Raymart pero deadma pa rin sa kanya ang aktor.

‘Yun ang dahilan kung bakit lalong nanggigigil si Claudine ngayon, bakit nga naman walang pumapatol sa kanya, samantalang halos magwala na nga siya sa galit?

Nasa korte na ang kanilang problema ni Raymart, dinidinig na sa husgado, pero bakit nga ba hanggang ngayon ay labas pa rin nang labas ng kung ano-anong akusasyon si Claudine laban sa kanyang mister?

Siguro nga ay naiisip ni Raymart na isang malaking kalabisan para sa kanya ang pansinin ang mga negatibong bagay, kaya sa halip na pansinin si Claudine, mas magandang idaan na lang nito sa pagdyi-gym ang kanyang panahon.

Lalong ikauulol sa galit ni Claudine Barretto ang ganu’n.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending