Ogie Diaz kay Aiko: Wag na wag kang papalamon sa sistema ng pagkabuwaya

Ogie Diaz at Aiko Melendez
SOBRANG proud ang content creator at talent manager na si Ogie Diaz sa alagang si Konsehala Aiko Melendez dahil nangunguna ito sa survey sa Distrito 5 ng Quezon City.
Sa ikalawang termino bilang konsehal ay muling humihingi ng suporta ang aktres-politiko sa kanyang constituents sa Distrito 5 ng Lungsod Quezon.
Sa kanyang Facebook account ay ipinost ni Ogie ang saloobin kay Konsi Aiko.
Bungad ni Ogie, “Nangunguna sa survey bilang Konsehal sa District 5 ng QC si Aiko Melendez. Sabi ko sa kanya, ‘wag na ‘wag siyang papalamon sa sistema ng corruption at pagkabuwaya ng ibang pulitiko sa QC. May mga kilala kaming corrupt talaga, pero wala namang umaaming corrupt sila, di ba?”
Personal din naming kilala ang aktres mula pa noong bagong artista pa lang siya at talagang may paninindigan at isang salita. Sa tagal din niyang nagsilbi noong 2001 bilang konsehal din at natapos niya ang tatlong termino o siyam na taon at walang nabalitang may ginawa siyang hindi maganda.
View this post on Instagram
Kaya para sa amin ay may K siyang magsilbi sa bayan dahil bukod sa nagtatrabaho talaga, maraming accomplishments sa kadistrito at higit sa lahat, 100% attendance.
Pagpapatuloy ni Ogie, “Lagi kong sinasabi kay Aiko, ‘Alam ng Diyos kung kinukupit mo ang pera ng bayan, kaya maaaring walang makaalam, pero hindi natutulog ang Diyos.'”
Sagot daw ni Konsi Aiko sa kanya, “Naku, Mader, eh di, dyinompal (sinampal) mo ko, no!”
Tuloy ng manager, “Oo tama. ‘Wag kang tutulad sa iba rin na nagbabaklas ng tarpaulin, tapos, magdedenay na hindi daw nila gawain, kahit may resibo na. Ha-hahaha!
“Saka ‘wag na ‘wag kang mang-ookray sa speech mo at sasabihing ang ganda-ganda mo, dahil ‘yung staff ng ibang kandidato ay hindi kagandahan. Kokrompalin kita, Aikes.
“Hayaan mo silang gumawa ng masama kung ‘yun naman ang laro nila sa pulitika, basta ikaw, gawin mo kung ano ang tama kahit pa sila ‘yung mga demonyo na nag-aastang anghel tuwing kampanya.
“Basta labyu. Nakasuporta lagi ako sa ‘yo. Kasi noon pa kita kilala, Aiko. Hindi ka binabago ng kasikatan at posisyon.
“Alagaan mo ang iyong dignidad at integridad kahit yumaman na sa corruption ang iba, dahil ikaw din ang nag-establish ng maganda mong pangalan.
“Again, labyu!”
Sana all tulad ni konsi Aiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.