Juday, Ryan pinaglalaruan…nakakadiri!
WALA na raw silang choice kundi ituloy ang pagtatapat ng respective TV shows ng mag-asawang Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo. Naka-schedule na raw itong magsalpukan sa TV tonight.
We find this move very indecent and distasteful. Pati ba naman mag-asawa ay gusto pa nilang pagsabungin sa TV. Kasama ba ito sa pakete ng network wars na kahit mag-asawa ay hindi na pinalalagpas?
Para naman yatang nakakadiring act ito, if I may say. In fairness naman sa ABS-CBN, nauna naman nilang isinalang si Juday sa timeslot nito. Wala pa yata ang planong gagawa si Ryan ng new show sa GMA ay plantsado na ang kay Juday.
Pero since gumawa rin ng sariling show si Ryan sa rival network na pinaglilingkuran ng kaniyang asawa, anong drama naman ito at bakit kailangang pagsasabayin nila ito sa ere?
Para mapag-usapan? Para magkagulo ang mag-asawa in some ways or another? Para babuyin sila ng pagkakataon? Para mahati ang kanilang mga tagahanga?
Ano ba ang ulterior motive ng producers nila at pumapayag silang mangyari ito? Stupid plan, di ba? Ibabato ko lang ang tanong na ito sa kampo ni Ryan Agoncillo – bakit kayo pumayag in the first place?
Is this a desperate move para mapansin naman si Ryan sa boobtube? Didn’t you find the plan silly at the very start? Bakit naman pumayag si Ryan? Kasi iyon ang gusto ng network, ganoon ba iyon?
He has every right na tumanggi because he is the husband of Judy Ann Santos na makakatapat niya. Dapat hindi siya pumayag kahit sabihin pa ng producers niya na ganoon.
Not even for the money! Delicadeza ang tawag yata roon and I know that Ryan must have that. Galing siya sa de buena familia and that is supposedly innate sa kanilang mayayaman – ang pagiging edukado at me sense of delicadeza, di ba?
Napaka-novelty naman ng approach nila, very informal. Iyon lang ang tingin ko rito – very distasteful. Hindi ko masisisi rito ang kampo ni Juday kasi nauna naman silang di-hamak.
Ang kampo ni Ryan ang sana’y umiwas at hindi pumapayag. Titingnan namin kung pagtatapatin talaga sila, sigurado akong makakaapekto ito sa relasyon ng mag-asawa.
Kasi nga, wala silang choice but to compete with each other. Mahirap iyan. Believe me!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.