Kyline, Kobe nagbura na ng pictures nila sa IG, hiwalay na kaya?

Kyline, Kobe nagbura na ng pictures nila sa IG, hiwalay na kaya?

Kyline Alcantara, Kobe Paras

TRULILI kaya ang kumakalat na chikang hiwalay na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras?

Usap-usapan kasi sa social media ang unti-unting pagbubura ng basketball player ng pictures nila ng young actress.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin online na komento ng ilang fans sa isa sa Instagram post ni Kyline:

“Sana hindi totoong deleted na ‘yung post nila nu’ng Valentine’s tsaka ‘yung pic nila Kobe sa Palawan. Sana hindi totoo pero kung totoo, sana ok kayo pareho. Walang perpektong relasyon.”

Baka Bet Mo: Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘Girlfriend agad?’

“Kung totoo man na hiwalay na kayo mag-focus ka nalang sa sarili mo para makamit mo na mga pangarap mo, stop na sa boys! Focus on yourself!!!”

“My fave couple so sad naman sana maging ok sila. Kung si Kobe man ang my mali, sana ma-realize niya na may magandang nangyari sa buhay niya within a relationship with Kyline…So sayang!”

“Ang dami na nilang pictures na deleted, parang totoo hinala ko! Waiting sa pag-unfollow each other.”

Siyempre, chineck ng BANDERA yung IG pages ng dalawa upang makita mismo ang mga sinasabi ng netizens.

At true nga, mukhang burado na ang ibang sweet photos nila kanilang accounts at ang mga natira nalang ay ‘yung mga brand events na dinaluhan nila together.

Bukod diyan, may nabasa rin kaming balita mula sa ibang media site na kinumpirma na ng kanilang source na break na nga sina Kyline at Kobe, ngunit wala pang detalye kung ano ang naging dahilan.

Gayunpaman, habang wala pang kumpirmasyon mismo sa couple ay umaasa pa rin ang kanilang fans na maayos pa rin sila.

Bukas naman ang BANDERA sa panig ng dalawa upang linawin ang usap-usapang ito.

Samantala, noong November last year nang umamin sina Kyline at Kobe patungkol sa kanilang real score.

Ito ay matapos tanungin ang basketbolista sa isang interview sino ang kanyang biggest crush.

Ang diretsahang pag-amin ni Kobe, “Kyline Alcantara because we are dating!”

Read more...