Karina Bautista hindi um-attend ng ABS-CBN Ball, walang budget

Karina Bautista hindi um-attend ng ABS-CBN Ball, walang budget

Karina Bautista

ABSENT pala ang aktres na si Karina Bautista sa nakaraang ABS-CBN Ball 2025 dahil ang katwiran niya, wala siyang extra budget para rito.

Sa mga hindi nakakaalam ay sagot ng ilang celebrities ang mga isusuot nilang damit sa naturang event unless sponsored ito ng mga designer. Hindi kasi lahat ay iniisponsoran bukod pa sa babayarang glam team.

Maraming fans ang natatanong kay Karina kung bakit hindi siya dumalo sa nasabing Ball ng Kapamilya Network. Narito ang sagot ng aktres.

“Gusto ko lang sagutin ’yung mga tanong n’yo kung bakit hindi ako nakapunta sa ABS-CBN Ball.

“Tinimbang ko rin kasi kilala n’yo naman ako—love kong rumampa at umawra—and every year, we have been serving looks on every carpet.

“Plus, exposure, tsaka networking na rin, ’di ba? Kaso, financially, napaka-expensive niya, ha,” simulang pahayag ni Karina.


“And right now, ang dami ko kasing pinapagawa, pinapaayos sa lupa, dito sa business, sa kuwarto ko dahil ginagawa kong pang-podcast soon so bagong bili ng ilaw and everything.

“And of course ‘yung glam team—that doesn’t come cheap, ha, kasi biruin mo naman, ang ganda ko every time, pasabog.

“So, siyempre, kailangan ko rin palitan ’yon ng monetary value, ’di ba? Kaya nagdesisyon na ako, as your independent girly at hindi rin naman tayo anak ni Henry Sy (kaya) mag-pass muna para makatipid.

“At ayoko rin naman kasing magkautang dahil hate na hate ko po ’yan. Akala ko nga hindi niyo naman mapapansin na hahanapin ba ako du’n parang hindi naman.

“Thank you guys, very very much…Promise, babawi tayo sa next ball.”

Ang pagpapaliwanag ni Karina ay nakuha namin sa Facebook account ng Truth Slaps.

Read more...