Daniel, Richard, Anthony, Kaila pinahirapan sa Japan, naka-survive!

Daniel, Richard, Anthony, Kaila pinahirapan sa Japan, naka-survive!

Cast members ng ‘Incognito’

HALOS lahat ng dumalo sa “Incognito” mid-season mediacon na ginanap sa Seda Hotel nitong Lunes, Abril 7 ay napa-wow sa full-trailer ng Japan episodes nito.

Para kasing foreign movie ang pinapanood namin lalo na ang fight scenes na kinunan sa snow. Sa pagkakatanda namin ay wala pang local films o series na nag-shoot sa mayelong location  dahil sobrang hirap ito.

Hindi rito kabilang ang mga celebrity na ginagawang content ang pagpunta sa Japan para maglaro at maghabulan sa snow.

Anyway, going back sa “Incognito” ay inamin ng cast na nagpunta sa Japan na napakahirap ng dinanas nila sa shoot dahil lagi silang sumesemplang sa fight scenes at higit sa lahat, sobra silang nangangatal sa lamig.

Sabi ni Daniel Padilla, “Kasama ‘yung madudulas ka at hindi maiiwasan dahil yelo ‘yung tinatapakan mo. Natuklasan naming meron palang nilalagay sa sapatos para hindi madulas nu’ng last day na (nagkatawanan ang cast).

“Kasama ‘yun (minor accident) sa action kahit madulas ka tuluy-tuloy dahil kasama ‘yun kahit sa totoong buhay nangyayari ‘yun, ‘yun naman ang nagpapatotoo do’n sa action,” ani DJ.

Nabanggit pa ng aktor na, “Mahirap kasi sa weather condition, kung sa Itogon (Benguet) sobrang init, sa Japan, sobrang lamig, wala man lang gitna, eh.”

Ayon naman kay Anthony Jennings, wala silang frost bite na naranasan, “Pero ‘yung bangs (sabay tingin) ni Kaila (Estrada) iba-ibang weather na ang na-experience, eh.


“Sobrang worth it ng lahat kasi siyempre kita namin ‘yung hirap at ginhawa ng isa’t isa kung paano namin ginagawa.  May mga times na bas ana ‘yung mga paa namin pero tuluy-tuloy pa rin.

“Nu’ng nagpunta kami ro’n (nakita ang klima) sabi namin, ‘kaya ba ito Direk?’ Pero nu’ng napanood na namin (ang trailer) hindi ko ini-expect na sobrang amazing na, sobrang nakaka-proud na parte pa rin ako ang show na ito, sana hindi ako mamatay (karakter niya).”

Parang malabo namang mangyaring mawala ang karakter ni Tomas dahil mawawalan ng kabatuhan o kaasaran si Gab (Maris Racal) na sa kanila ibinigay ng direktor na patawanin ang viewers dahil nga laging seryoso sina Daniel (Andres), Kaila (Max), Richard Gutierrez (JB), Baron Geisler (Miguel) at Ian Veneracion (Contractor).

Ang experience naman ni Kaila, “Nag-survive naman ang bangs ko (natawa) pero ibang challenge talaga when you experience working in such extreme weather conditions.

“But seeing the trailer ay sobrang nakaka-proud at tama nga ‘yung sinabi nil ana really was worth it and first time naming nakita ‘yung trailer and even snippets of the scenes amazing lang, sobrang nakaka-proud to be part of the show and proud ako sa aming lahat kasi nagawa namin and were just so excited for all of you to see it, it’s so fullfiling,” sabi ng aktres.

Hindi naman nakasama si Baron sa Japan dahil may iniwang task sa kanya si contractor, “Ako naman excited to watch it kasi habang nasa Japan sila magi-intercut sila sap ag-save ko sa family ko, so exciting (dahil) punumpuno ng bakbakan sa Japan at ganu’n din ang bakbakan sa Pilipinas.”

Say naman ni Richard, “This episode of Incognito in Yamagata, Japan sobrang lamig do’n sa lugar talagang snow everyday non-stop snowfall.  Hindi ko rin alam kung bakit doon nag shoot (natawa ang aktor).

“Siguro pinili nila ‘yung pinakamaraming snow na area and really wanna capture na ibang terrain na all white feel and I think we got and na-experience namin ang legit na snow storm,” aniya.

Pinuri rin ni Richard ang crew ng “Incognito”, “hats off to our crew dahil sobrang hirap ng pinagdaanan nila managing all the equipments cameras, lenses, everything with the kind of weather condition.

“Talagang it was challenging for everyone and we were tested everyday and we were able to do it as a group as a unit and you know after that parang you can take us anywhere,” sabi ng aktor.

Itong na-experience raw ng cast ng serye ay talagang masasabing kahit saan na sila dalhin ay kakayanin nila at sa katunayan ay humihiling na sila agad ng season 2.

Samantala, isa sa laging trending scenes sa “Incognito” ay ang away ng mag-amang Maris (Gab) at Joel Torre ({Philip) lalo’t Ilonggo ang salita ng dalawa.

Bisaya naman si Maris kaya medyo magaan sana sa kanya pero mahirap raw palang gawin.

“When we were shooting that day and yes you have so many surprises and (eksena nil ani Joel).

“Going to the set I was really nervous with scenes with Sir Joel Torre and then nasa standby are kami bilang pumasok si Direk (Lester Pimentel-Ong) at sabi niya, ‘okay Ionggo ka rito ha?

“Sabi ko, ‘ah (talaga) direk?’ So, surprise ‘yun lahat. And nasabi ko lng, thank God Bisaya ako kasi we have some common words of Hiligaynon and Ilonggo. Thank you Lord, Bisaya ako.

“At ang kailangan ko na lang aralin ‘yung tono and thankfully sir Joel taught me a lot of ILnggo words at may mga tagalog na lines, sabi ko itodo na natin ito na Ilonggo,” kuwento ni Maris.

Natapos na ang presscon ng dumating si Ian (contractor) dahil nanggaling daw ng Singapore kasama ang buong pamilya.

Anyway, ilang buwan nang umeere ang “Incognito” ay hindi ito nawawala sa most viewed TV series sa Netflix at kasalukuyan itong nasa number 3 slot.

Ito ay mula sa direksyon nina Lester Pmentel Ong, Ian Lorenos at Wang Yan Bin handog ng Star Creatives at Studio Three Sixty. Mapapanood ang “Incognito” sa Netflix, Kapamiya channel, A2Z, at TFC.

Read more...