KUMAKALAT ngayon sa social media ang pag-unfollow ng actress-director na si Bela Padilla sa Kapamilya artists na sina Kyle Echarri at Piolo Pascual sa Instagram.
Isang X (dating Twitter) user ang nagbahagi ng chika tungkol sa pag-a-unfollow ng aktres sa dalawa.
“Just in: Did Bela Padilla unfollow Kyle Echarri and Piolo Pascual?” saad ng X user.
Makikita namang ni-retweet pa ito ng aktres para kumpirmahin kung totoo nga ba ang chika.
Baka Bet Mo: Bela Padilla mami-miss ang bahay sa London, nag-iimpake na ng mga gamit
“I did! I woke up one day and I was following around 7,000 people,” pagkukumpirma ni Bela.
Pero paglilinaw niya, wala silang away o hidwaan at nais laman niyang maglinis ng kanyang following sa Instagram.
“So now, I’m trying to declutter by bringing my following down to zero slowly and then will follow my friends back one by one after,” paliwanag ni Bela.
Sinabihan rin daw niya si Kyle patungkol sa kanyang gagawin.
Nang tanungin naman siya kung may problema sila ni Piolo, tumanggi naman si Bela.
“Never! He’s one of my most trusted friends in our industry,” sey pa niya.
Sabi pa ni Bela, kaya niya sinasagot at nag-e-explain ay dahil ayaw noya ng fake news.