David sa tipo ng babae: Hindi babad-cellphone, ‘di masyadong nagso-socmed

David sa tipo ng babae: Hindi masyadong nagse-cellphone, socmed

David Licauco at Barbie Forteza

KUNG siya lang ang masusunod, mas gusto ng Kapuso hunk actor na si David Licauco ang magkadyowa ng non-showbiz.

Ngunit aminado ang Pambansang Ginoo na nahihirapan siyang makahanap ng ka-date na hindi artista o celebrity kaya naman hanggang ngayon ay nananatiling single ang binata.

“Kapag medyo kilala ka, they would think na, ‘Oh, baka lokohin lang ako nito. At saka, she will treat you differently kasi nga, ‘Marami ‘tong babae,’ sa isip nila,” pag-amin ni David sa vlog ni Toni Gonzaga.

Ngunit ayon kay David, open din naman siya na makipag-date sa taga-showbiz dahil mas maiintindihan daw nito ang kanyang sitwasyon at trabaho.

“Non-showbiz talaga ang gusto ko but I mean, I’m not closing my doors, and baka mas maintindihan ako kung katrabaho ko,” aniya pa.

Sa tanong kung anu-anong katangian ang hinahanap niya sa isang babae, sagot ni David, “Someone pretty, fair-skinned, chinita na hindi masyadong chinita and who’s really nice, genuinely nice, ‘yung ma-empathy.”

Dagdag pa niya, “Someone who’s in touch with life. Let’s say ‘yung hindi masyadong nagse-cellphone, ‘yung parang present, hindi masyadong nagso-social media.”


At siyempre, gusto rin ni David sa babae na mamahalin at aalagaan siya, at uunawain ang kanyang trabaho sa mundo ng showbiz.

Sa isang panayam, nabanggit ni David na single siya ngayon. Marami naman ang naniniwala na may something nang namamagitan kay David at sa leading lady niyang si Barbie Forteza.

Samantala, mapapanood uli si David sa upcoming movie na “Samahan ng mga Makasalanan,” kasama sina Sanya Lopez, Joel Torre, Buboy Villar, Liezel Lopez at marami pang iba.

Ito’y mula sa direksyon ni Benedict Mique under GMA Pictures and Lonewolf Productions.

Read more...