INALMAHAN ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila ang ginawang panlalait ni Misamis Oriental Governor Peter Unabia sa mga nurse.
Hindi nagustuhan ni Karen ang ipinagsigawan ni Unabia sa isang proclamation rally na limitado lang daw sa magagandang babae ang provincial nursing scholarship program.
Sabi ng gobernador, “Hindi pwede ang pangit, kasi kung nanghihina ang mga lalaki, nakaharap sa pangit na nurse, e ano, lalong lalala ang sakit niyan.
Agad namang bumanat ang mga netizens laban sa naturang politiko at ipinagtanggol ang mga Filipino nurse, kabilang na nga si Karen
Sa kanyang X account, binatikos ni Karen si Unabia at kinontra ang mga naging pahayag nito.
Komento ng news anchor, “Isa pa ito. Stop sexualizing & objectifying nurses. Talagang hitsura ang basehan?”
“Comments like this insult the nursing profession. It undervalues the intelligence & skill-set needed to do the job of a NURSE.
“Babae man o lalaki. Nurses work really hard to take care of a stranger’s health and life. Value that,” buong pahayag ni Karen.
Kasunod nito, inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na maglalabas sila ng show cause order laban kay Unabia para magpaliwanag sa kanyang naging pahayag.