
Laguna congressional aspirant Atty. Tony Carolino joins Milka Romero in a light moment with sportsfest attendees.
NAKIISA ang 1Pacman Party-list sa paglulunsad ng “True Movement for Change” sa ika-apat na distrito ng Laguna.
Kabilang si 1Pacman first nominee Milka Romero sa mga naging panauhing-pandangal ng ilunsad ang grupo kamakailan sa Sta. Cruz, Laguna.
Si Atty. Tony Carolino ang lead convenor ng bagong grupo at kandidato siya sa pagka-kongresista sa huling distrito, na binubuo ng 16 na bayan.
“Ang 16 na bayan sa ika-apat na distrito ay nagnanais ng tunay na pagbabago. Kapuna-punang kakaunti ang ating nakakamtam sa mga programang nasyonal dito sa ikaapat na distrito,” sey ni Carolino.
Baka Bet Mo: Magna Carta para sa mga ambulant vendors, pinaglaban ng Agimat Partylist sa Kamara
Ayon naman kay Romero napakalahaga na ang mga sectoral group tulad ng 1Pacman Party-list ay nakikipag-alyansa sa mga grupo o organisasyon na hangarin ang pagbabago at pag-unlad.
Nakita, aniya, niya ang mga pangangailangan sa ikaapat na distrito ng Laguna at ito ay farm-to-market roads, health centers at livelihood programs.
Sabi niya kabilang ito sa mga isinusulong ng 1Pacman bukod sa grassroots root sports development, edukasyon at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan.