ISA sa mga sanhi ng sunog ay ang maling paggamit ng LPG tanks.
Ito ang topic na napili ng BANDERA sa paggunita ng Fire Prevention Month dahil ito ang madalas na ginagamit sa pagluluto, lalo na sa ating mga tahanan.
Baka Bet Mo: Tips para ‘iwas-sunog’ ngayong Fire Prevention Month
At para manatiling ligtas, chumika kami sa isang eksperto mula sa Island Gas upang malaman ang mga dapat at tamang gawin kapag bumibili at gumagamit ng LPG.
Para sa kaalaman ng marami, ang Fire Prevention Month ay ginugunita sa ating bansa tuwing Marso dahil ayon sa datos ng national statistics, ito ‘yung buwan na pinakamainit at may pinakamaraming naitatalang insidente ng sunog.
Nakapaloob pa nga ito mismo sa Proclamation No. 115-A na pinirmahan ng yumaong dating Pangulo na si Ferdinand Marcos noong 1966.