Malabon pasok sa Guinness World Records para sa ‘Longest Line of Bowls of Noodles’

Malabon pasok sa Guinness World Records para sa ‘Longest Line of Bowls of Noodles’

PHOTO: Facebook/Malabon City Government

GUMAWA ng kasaysayan ang Malabon City kamakailan lang.

Nakuha kasi nila ang Guinness World Records matapos nitong opisyal na makamit ang pinakamahabang hanay ng mangkok ng noodles sa buong mundo!

Biruin niyo, 6,549 na mangkok ng kanilang tanyag na Pancit Malabon ang pumuno sa mahabang lamesa.

Naungusan nila ang record ng China noong 2019 na may 3,988 bowls lamang.

Baka Bet Mo: Nanay ni Angelika dela Cruz sa natanggap na death threat ng pamilya: So scary! We are not safe anymore in Malabon!

“Opisyal nang kinilala ang ating Lungsod ng Guinness World Records para sa Longest line of Bowls of Noodles— isang makasaysayang tagumpay na nagpapakita ng ating mayamang kultura at pagmamalaki sa Iconic Pancit Malabon!” sey sa pahayag ng Malabon City Government sa isang Facebook post.

Paliwanag pa, “Ngunit hindi dito nagtatapos ang hamon— kinakailangan ding tiyakin at idokumento ang maayos na distribusyon ng 6,000 mangkok ng Pancit Malabon para sa aktwal na pagkonsumo ng tao, alinsunod sa patakaran ng Guinness World Records.”

Ang makasaysayang anunsyo ay ginawa ni Ms. Sonia Ushirogochi, ang official adjudicator ng Guinness World Records Japan K.K.

Kinilala rin niya ang Pancit Malabon bilang “classic and important dish of Malabon City,” ayon sa ulat ng INQUIRER.

Nakiisa ang mga Malabueño sa engrandeng kaganapan, kung saan maingat nilang hinanda, tinimbang, at inayos ang bawat mangkok sa mahabang lamesa upang siguruhing magtagpo ang magkabilang dulo ng linya.

Read more...