NI JULIE BONIFACIO
SOBRANG maligaya ang aktres at dating politician na si Aiko Melendez sa kanyang teleserye sa ABS-CBN tuwing hapon, ang Reputasyon. Together with the whole staff and crew kasama na ang batikang direktor ng serye na si Jeffrey Jeturian, thankful sila sa napakagandang feedback na nakukuha nila mula sa mga manonood.
Sa set ng Reputasyon sa San Ildefonso at San Miguel, Bulacan ay sinadya namin si Aiko and the rest of the cast para personal na alamin ang kanilang damdamin sa success na tinatamasa ng kanilang programa at kung anu-ano pang bago tungkol sa kanya.
Narito ang one-on-one interview namin kay Aiko sa set ng Reputasyon para sa BANDERA.
BANDERA: Dahil sa effective portrayal mo bilang kontrabida sa Reputasyon, na-experience mo na ba na inaway ka ng mga tao dahil sa sobrang galit?
AIKO MELENDEZ: Hindi pa naman. Kaya lang nu’ng lumabas ako tinatawag ako na Gobernador, E, ‘di hindi ako tumitingin. Sinasabi niya, ‘Governor! Governor!’ Sabi ko, ‘Matagal na po akong wala sa politics.’ Sabi niya, ‘Hindi ba ikaw si Governor Catherine? ‘Di ba tatakbo ka?’
‘Ay! Reputasyon pala ito.’ So, ako naman si mega-explain. So, ako, nagpapasalamat ako na talagang nakaka-relate sila. Even sa Twitter followers ko, ano sila, naniniwala sila na, hindi na siguro kasi tulad ng dati na kapag kontrabida kayo, ‘yung sasabunutan ka nila sa labas. Sila naiinis sila sa ‘yo pero like nila ako at the same time. Kaya thankful ako.
B: May tinutuluran ka bang acting ng kilalang kontrabida sa performance mo sa Reputasyon?
AM: Wala. Inspirasyon? Hmmm…actually, wala talaga, e. Hindi naman ako lasenggera in real life, hindi naman ako nagpapasabog ng kung anu-ano. Hahahahaha! Pero kasi there was a time na Jom (Jomari Yllana) and I were discussing ‘yung role ko rito. E, ‘di ba si Jom naka-play na ng kontrabida. So, I was asking him sino ang gusto mong pilian ako, gayahin ko. Sabi niya, Meryll Streep and Glenn Close. Although, lately hindi pa ako nakakapanood ng movies nila, gusto niya si Meryll sa ‘The Devil Wears Prada.’ Simple lang pero matindi. Napanood ko naman ang movie na ‘yan before, so, somehow, parang ganu’n siguro.
B: Mukhang open na open ang line of communication n’yo ngayon ni Jom, ha?
AM: Kasi open na open din kami ngayon. Hahahahaha!
B: Wala kasi siyang relasyon ngayon, may reputasyon lang siya?
AM: Tama! Sobrang okay kami in the sense sana we don’t have more than what sa relasyon namin. Pero I can say na anytime na kailangan ko siyang tawagin nandu’n siya para sa akin, likewise, nandu’n din ako para sa kanya. Actually, with my exes naman, e, I’m totally okay with them. I have no problems with them.
B: Posible kaya na bumalik sa ‘yo si Jomari?
AM: Hindi, hindi talaga. To be honest, siguro mas maganda ‘yung relationship namin na walang commitment kasi we’re free to say whatever we want to say. He can do whatever he wants to do without offending me. Kasi kapag may commitment na kasama it is bound to happen na you will hurt each other, e. Kasi hindi mo mapi-please o hindi mo mabibigay lahat ng gusto ng partner mo.
One thing na natutunan ko ngayon na dapat sana e, dati ko pa dapat natutunan, na kapag nasa relasyon ka you have to enjoy each other, e. Hindi dapat ma-lose ‘yung excitement. Hindi mo dapat ma-lose ‘yung desire ninyo sa isa’t isa. Kaya kami ni Jom nandu’n kami sa punto na from afar tinitingnan niya, ‘Maganda ka ngayon, ha.’ Sasabihin ko naman sa kanya, ‘Gwapo ka ngayon. As if you’re turning me on.’ Mga ganyan kami. Pero hanggang doon lang kami. Pag-uwi namin sa kanya-kanya naming bahay, wala na. Itutulog na lang namin.
B: Turning 13 na ang anak n’yo ni Jomari na si Andre, hindi ba nagsasabi ang bata na magbalikan na lang kayo?
AM: Ay, meron. Wish pa rin niya. Actually, lahat ata ng anak they have that certain wish na kapag ang nanay at tatay nila hindi magkasama meron silang parang, ‘Mom why can’t you be together with Dada,’ mga ganyan. Sabi ko, ‘Hindi, we’re better off as friends,’ ganyan, ganyan. Minsan may mga sumbong pa ‘yang si Andre sa akin, ‘Mom, you know what Dad told me?’ ‘Ano?’ sasabihin kong ganyan. ‘Dad told me that you look good daw.’ ‘Ay! Messenger ka?’
So, ano, e, uhm, ayoko kasing bigyan ng false hope si Andre. Alam mo ‘yun ang dapat ituro sa mga magkahiwalay na binibigyan mo ng pag-asa na na magkabalikan kayo. Ako, from day one I’ve been honest with Andre na tingnan natin kung ano ang pwedeng mangyari.
B: Pero ano ba talaga ang tunay na dahilan ng hiwalayan n’yo ni Jomari?
AM: Siyempre ang lolo mo noon ang seksi-seksi. Tinitiis ko na sa film kung sinu-sino ang kahalikan, ‘di ba? Tapos pag-uwi ng bahay ang acting ko deadma, ang sakit. Pero ngayon kahit tanungin ko siya okey kami pero wala na. Noon talagang ano, kimkim, Kim Chui! Hahahaha!
Hindi ko ‘yun sinasabi sa kanya. Ang lagi kong sinasabi, ‘Ano ka ba? Naiintindihan ko ‘yun. Artista rin ako.’ Pero sa loob-loob ko, ‘Hindi naman ako ganyan.’ Kasi lalaki siya wala namang mawawala sa kanya.
B: Kumusta naman kayo ni Cristine Reyes sa set ng Reputasyon?
AM: Siguro nakakatatlong eksena na kami na magkasama and I think ‘yung mga susunod na episodes namin ‘yun ang dapat abangan. Kasi ‘yung una napansin kasi namin ni Cristine puro batuhan lang kami ng linya, e. Very formal. Pero ngayon, ‘yung pangalawa namin, aksidente, natamaan ko siya ng bag. ‘Yun ‘yung confrontation namin, ‘yung sinabi niya na lalaban siya. ‘Yun ang abangan ng viewers.
B: Hindi kaya maging personalan na ang confrontation scenes n’yo?
AM: Ay, hindi naman. Kasi ano, e, kami ni AA, I call her AA, ano, e, meron kaming, ‘Ate, ano?’ Kasi she calls me ate and I call her Sis A. Kasi there was a time na alam ko may ilang factor, e. Pero bilang mas nakakatanda sa kanya, ako ‘yung nag-reach-out. Sabi ko, ‘Lika AA, sis, ‘wag kang mailang sa akin,’ ganyan. And then, I started knowing, actually, nagtanung-tanong ako kung ano ang favorite na pagkain ni Cristine. Nag-research talaga ako. I asked around. So, when I found out about it kapag nasa set dinadalhan ko siya. Para I want her to feel na okay tayo. Kasi ako ‘yung ate.
B: Ano naman ‘yung favorite food ni Cristine na dinala mo?
AM: Alam mo pareho naming favorite ni Cristine ang laing. So, nu’ng time na ‘yun ginawan ako ng mommy ni Jom ng laing, nag-tweet ako, ‘Ang sarap, ang yum-yum ng laing.’ Sabi niya, ‘Ate, favorite ko rin ‘yan.’ Sabi ko sa kanya, sige dadalhan kita sa next taping. Hanggang hindi available that time ‘yung laing. Kasi nga, ano ‘yun, e, mabusisi gawin. I brought her ‘yung cinnamon toast. Nagustuhan niya and she kept on asking, ‘Ate, saan mo binili ‘yan?’ Sabi ko sa kanya hindi ko sasabihin para ‘yun ang pang-ano ko sa kanya, bribe.
B: Patunay lang na talagang okay kayo ni Cristine?
AM: Oo, sobra!
B: Napag-usapan n’yo ba kahit in passing ang sister ni Cristine at nakaalitan niya noon na si Ara Mina?
AM: Never. Siguro those are the unspoken agreement na parang huwag na nating banggitin para wala na lang pressure on both sides.
B: Bongga naman ni AA dahil dalawang sisters niya ay parehong maganda, ‘di ba?
AM: Korek! At pareho rin kaming AM (ni Ara Mina), ha! Hahahahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.