SASAMPAHAN ng kasong administra-tibo si Tacloban Mayor Alfred Romualdez sakaling mapatunayang nagkulang ang lokal na pamahalaan sa paghahanda sa bagyong Yolanda, giit ng Malacanang kahapon.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma, kasama rin sa iimbestigahan si Interior Secretary Mar Roxas matapos ang ulat na inaprubahan niya ang ginagawang paghahanda ng lokal na pamalaan ng Tacloban.
“Meron talagang mga umiiral na batas at meron ding umiiral na proseso na maaaring gamitin kapag dumating na ang panahon ng pagtutuos,” aniya.
Kamakakalawa ay inihayag ni Pangulong Aquino na iniimbestigahan na ang umano’y kapabayaan ng mga opisyal.
DSWD sinisiraan lang
Itinanggi rin ni Coloma na nire-repack ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga relief goods mula sa ibang bansa, partikular ang mga donasyon galing sa Indonesia.
Hirit niya, walang batayan ang naturang alegasyon. “Sana ang mga nagkakaroon ng ganyang obserbasyon, mag-pause po siguro ng ilang segundo o ilang minuto dahil higit na madali iyong mag-blog ng mga ganun na baka naman po walang sapat na batayan iyong kanilang iniisip,” paliwanag pa niya.
Kumalat sa social networking site na Facebook na isang volunteer na nagre-repack sa Cebu ang nagsiwalat na pinatanggal sa kanila sa orihinal na balot ang mga relief goods at inilagay sa plastik bag ng DSWD.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.