David Licauco kumita ng P50-M sa loob ng 1 taon dahil sa showbiz, negosyo

David Licauco kumita ng P50-M sa loob ng 1 taon dahil sa showbiz, negosyo

PHOTO: Instagram/@davidlicauco

MAY ni-reveal ang heartthrob actor na si David Licauco patungkol sa kanyang showbiz career at pagiging business owner.

Ayon sa kanya, ang pinakamalaking kinita niya sa loob ng isang taon ay nasa P50 million!

Nagawa niya ‘yan dahil sa mga naging proyekto bilang artista, pati na rin sa mga negosyo niyang restaurant at construction.

Ang bonggang rebelasyon ni David ay dahil sa naging interview niya sa “Iskul of Dizkarte” na mapapanood sa TikTok.

Para sa mga hindi aware, ang “Iskul of Dizkarte” ay isang online series na itinatampok ang success stories ng mga business owners.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza shookt sa pa-nipples ni David Licauco sa ‘Maging Sino Ka Man’: ‘Kasi akala ko wholesome na siya ngayon!’

Unang tinanong sa aktor, “Ano ang pinakamalaking kinita sa isang taon?”

Nagbiro muna si David at sinabing, “Hirap ng tanong mo pare ah.”

Kasunod niyan ay nanghula na ‘yung nag-interview at inusisa kung P10 million.

Ang sagot ng Kapuso hunk, “Higher.”

P30 million naman ang sunod na nabanggit, pero “higher” pa rin daw sabi ni David.

P50 million ang next hula at ang pag-amin diyan ng aktor ay, “Somewhere there.”

Maliban sa mga kita, ikinuwento rin ng aktor ang kanyang background sa negosyo na ang nagsilbing inspirasyon niya ay ang kanyang pamilya na business-oriented din at naging dahilan sa pagtapak niya sa parehong industriya.

Chinika pa ng aktor na nag-enroll siya sa London Business School kung saan nakilala niya ang kanyang mentor na nagturo sa kanya ng “self-awareness.”

Bukod diyan ay inalala rin niya ‘yung mga naging “failures” niya sa negosyo, pero binigyang-diin niya na: “failure does not define us.”

Nang tanungin naman siya kung paano niya pinapalago ang mga kinikita sa acting career at negosyo.

Ang sey niya, “Actually, lahat ng kinikita ko sa showbiz, I try my best to invest sa business.”

@iskul.of.dizkarte ARTISTA NA, BUSINESS OWNER PA? PANO KINAKAYA TO NI @davidlicauco? #wealth #wealthbuilding #wealthmanagement #FinancialFreedom #entrepreneurship101 #motivational #motivation #Entrepreneurship #entrepreneurlife #FilipinoMillionaires #MILYONARYO #FilipinoBusiness #filipinobusinessowners #phbusiness #businessphilippines #davidlicauco ♬ original sound – Iskul of Dizkarte (IOD)

Sa comment section, maraming netizens ang humanga at bumilib sa kanyang pagiging successful.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Smart, masipag, businessman, pogi, cute, may respect, mayaman, mabait, lahat na sa kanya na [fire, red heart emojis].”

“‘Di pa siya sikat dati ang laki na ng net worth niya paano pa kaya ngayon.”

“I like this interview of him, na-emphasised ‘yung kahusayan niya, he is smart and matured.”

“Wow ang galing niya pala sumagot pag business ang topic. I learned a lot in this interview.”

Read more...