Sofia Andres umaming kasal na kay Daniel Miranda, true ba?

Sofia Andres umaming kasal na kay Daniel Miranda, true ba?

PHOTO: Instagram/@iamsofiaandres

USAP-USAPAN sa social media ang tila pag-amin ng aktres na si Sofia Andres na siya ay kasal na umano sa longtime non-showbiz partner na si Daniel Miranda.

Naging agaw-pansin ang pagsagot ni Sofia sa isang netizen na nagkomento sa isang Instagram post niya.

Sa nasabing post, makikita ang ilang sweet pictures ng couple at ang caption pa riyan ng celebrity mom: “Celebrating Love with you…[red heart emoji].”

Unang bubungad sa comment section ang wish ng isang fan na ang sabi ay, “Sana pakasalan ka na because you deserve to be married in church…[red heart emoji].”

Baka Bet Mo: Sofia Andres takot bang pakasalan ang partner na si Daniel Miranda?

Ang reply diyan ni Sofia, “Wait, who said I’m not married? [eyes emoji]”

Sofia Andres umaming kasal na kay Daniel Miranda, true ba?

PHOTO: Screengrab from Instagram/@iamsofiaandres

Dahil diyan, maraming netizens ang nag-react at nagpahayag ng iba’t-ibang reaction.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“So are you guys church wed or not…..?”

“Why does it matter though? Besides, it’s none of your business. Let them be!”

“omg [smiling face with hearts, hands raised emojis]”

“Let’s mind our own business nalang po [red heart emoji]. Desisyon nila ‘yun kung ano man [red heart emoji] Kung kasal man na sila, di lahat need i-public. Privacy is everything [fire emoji, red heart emojis].”

“lowkey and very classy [sparkling emoji] rooting for you since day one [holding back tears emoji] luv ü.”

Kung matatandaan last year, inamin ni Sofia sa isang panayam na hindi pa sila handang magpakasal ni Daniel.

“Siguro it’s not the time yet talaga. In God’s time,” sey niya. 

Paliwanag ng aktres, “Kasi married o hindi, you’ll never know kung kayo ba talaga. Kasi may married na naghihiwalay pa rin. Meron namang hindi married na nagtatagal naman.”

Taong 2015 pa silang magdyowa at mayroon silang anak na si Zoe na isinilang noong 2019.

Read more...