
PHOTO: Facebook/Miss Universe Philippines
MAY petsa na kung kailan kokoronahan ang bagong reyna ng Miss Universe Philippines!
Ayon sa announcement na ibinandera sa social media, ito ay gaganapin sa darating na May 2 sa SM Mall of Asia Arena.
“Save the date, PILIPINAS! The much awaited Miss Universe Philippines 2025 Coronation is happening this May 2, 2025 at the SM Mall of Asia Arena,” caption ng national pageant organization sa isang Facebook post.
Kahit may date na kung kailan ipapasa ng reigning queen na si Chelsea Manalo ang korona, wala pang detalyeng inilalabas pagdating sa tickets at celebrity guests.
Baka Bet Mo: Winwyn Marquez feeling winner na agad sa Miss Universe PH 2025
69 ladies ang maglalaban-laban para sa titulo at ang magwawagi ay ilalaban sa Thailand para sa ika-74th Miss Universe pageant na gaganapin sa Nobyembre.
lan lamang sa mga batikang beauty queens na muling sasalang sa upcoming edition ng national pageant ay sina Ahtisa Manalo (Quezon Province), Winwyn Marquez (Muntinlupa), Yllana Aduana (Siniloan, Laguna), Katrina Llegado (Taguig), Chelsea Fernandez (Sultan Kudarat), Chella Falconer (Cebu Province), Karen Nicole Piccio (Iloilo City), at Chanel Olive Thomas (Nueva Ecija).
Samantala, apat na beses nang naging host country ng international pageant ang tinaguriang “Land of Smiles.”
Ang huling beses ay noong 2018 kung kailan nagwagi ang ating pambato na si Catriona Gray.
Ang unang beses naman nito ay noong 1992 kung saan nanalo si Michelle McLean na representante noon ng bansang Namibia.
Kasunod niyan ay taong 2005 na kinoronahang Miss Universe ang panlaban ng Canada na si Natalie Glebova.