NAKAKALOKA! After matsismis kay Mark Herras, nilalagyan naman ngayon ng malisya ang friendship ng Revival King na si Jojo Mendrez kay Rainier Castillo.
Ang chika, mukhang nagkasulutan daw ang magkaibigang Mark at Rainier dahil sa chikang si Rainier naman daw ang umano’y palaging kasama ngayon sa mga lakaran at gimikan ni Jojo Mendrez.
Unang nakilala sina Mark at Rainier sa very first edition ng original artista search ng GMA 7 na “StarStruck” kung saan ang una nga ang itinanghal na Ultimate Male Survivor habang si Jennylyn naman ang Ultimate Female Survivor.
Nabalitang may relasyon umano sina Mark at Jojo nang maispatan silang magkasama sa isang hotel casino na sinundan pa ng sorpresang pagdating ng Kapuso star sa presscon at single launch ng Revival King with matching pa-flowers pa.
Baka Bet Mo: Jojo Mendrez sa isyung may ‘something’ sila ni Mark Herras: Nawindang ako!
Pero nilinaw ng OPM artist na naging malapit sila ni Mark dahil sa naging collab nila para sa hit revival song na “Somewhere In My Past.” Itinanggi rin ni Mark na magdyowa sila ni Jojo.
Kasunod nito, bigla namang lumabas ang litrato nina Jojo at Rainier na kuha habang naglalaro sila sa hotel casino kung saan din naispatan ang singer at si Mark.
Sa isang Facebook page, nakita namin ang mga litrato nina Jojo at Rainier na nag-eenjoy sa paglalaro sa naturang casino.
“BREAKING NEWS: Fake pala ang relasyon ni Jojo Mendrez at Mark Herras! Lumabas na ang totoo! Pinagloloko nyo kami. Marami kaming nakakita!” ang nakalagay sa caption.
Aside from this, gumawa rin ng reaction video si Rainier sa kanta ni Jojo na “Nandito Lang Ako” na mapapanood sa Facebook page ni Jojo.
Kaya naman mas naloloka ngayon ang fans! Sino raw ba talaga kina Mark and Rainier ang apple of the eye ni Jojo Mendrez? Pinagsasabay raw ba ng singer ang dalawang produkto ng “StarStruck?”
Para kanino ba raw talaga ang kanta niyang “Nandito Lang Ako” at “Somewhere in My Past” – kay Mark ba o kay Rainier?
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement si Jojo Mendrez at si Rainier. Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ng Revival King at ng Kapuso actor hinggil sa isyu about them.
Samantala, bukod sa bago niyang original song na “Nandito Lang Ako” at hit revival na “Somewhere in My Past” ni Julie Vega, may mga ilalabas pang ibang covers si Jojo very, very soon.