Gretchen Ho dumalo sa misa sa Rome para kay Pope Francis: Feeling blessed!

Gretchen Ho dumalo sa misa sa Rome para kay Pope Francis: Feeling blessed!

PHOTO: Instagram/@gretchenho

ISA si Gretchen Ho sa mga daan-daang Pilipino sa Roma na dumalo sa isang espesyal na misa para sa paggaling ni Pope Francis na patuloy na lumalaban sa kanyang sakit.

Sa pamamagitan ng X account, ibinandera ng broadcast journalist ang ilang pictures ng nasabing seremonya kasabay ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Sa mga larawan, makikita ang TV host na kabilang sa offertory.

“Feeling blessed,” caption ni Gretchen sa kanyang post.

Aniya pa, “At the Lenten recollection and mass for Pope Francis, organized by the Filipino community here in Rome.”

Baka Bet Mo: ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Sa Instagram Stories naman, pinasalamatan ni Gretchen ang mga madre na tumulong sa kanya upang makakuha ng ticket para sa misa.

“Mass is ticketed. Limited audience. Thanks to the nuns who helped us get in,” caption niya kasabay ng picture na hawak ang ticket.

PHOTO: Instagram Story/@gretchenho

Bukod diyan, ibinahagi rin ng media personality ang isang maikling video kung paano ipinagdiriwang ng Vatican ang Ash Wedenwday kung saan makikita ang mga cardinal, arsobispo, at obispo na dumalo sa seremonya.

“Cardinal de Donatis presiding, in lieu of the Pope. He read Pope Francis’ homily for Ash Wednesday. ‘Death imposes itself as a reality with which we have to reckon.’” pagbabahagi niya.

PHOTO: Instagram Stories/@gretchenho

Kamakailan, naospital si Pope Francis dahil sa pulmonya at impeksyon sa baga.

Sa kasalukuyan, nananatiling matatag ang kanyang kondisyon, ayon latest update ng Vatican.

Read more...