Rhian pinaghinalaang ibubulsa ang nakalap na donasyon
Naging issue ang pagbebenta ni Rhian Ramos ng fan signs para makatulong siya sa Yolanda victims. Kasi naman, diretso yata ang bayad sa kanyang personal account.
Binatikos ang hitad dahil bakit daw sa kanyang personal account ididiretso ang bayad. Parang pinagdududahan pa ang aktres.
Sabi ni Rhian sa isang basher na kumukuwestyon sa kanya, ano ang pinagkaiba niya sa mga celebrities na nagpapa-auction online para makatulong sa mga nasalanta ni Yolanda?
Anyway, marami talaga ang nang-bash kay Rhian sa social media. “Wala ba syang pera o stuff na ibenta at bakit manghingi pa sa iba ng cash to deposit in her accnt? kunsabagay nasira ang image, wala ng projects, endorsements, etc!” one guy commented.
May advice pang ibinigay ang isa, “Pwede namang i-donate sa Red Cross tapos i-send ang receipt sa kanya for her fansign (if may kakagat). Bakit gusto niyang siya mismo ang hahawak ng pera? Alam na!”
Ipinaliwanag naman ng isa ang punto niya and posted, “There is a difference between celebrities selling their clothes and her fansign.
Yung mga celebrities gamit nila yun kung binenta nila, pera pa rin nila ibinibigay nila sa charities while Rhian, yung pera galing sa mga fans, ano galing sa kanya? Yung ink ng pentel pen? BIG DIFFERENCE!”
Ang feeling naman ng isang hindi maka-Rhian ay hindi sinagot ng Kapuso actress ang tanong sa kanya ng basher. “She’s not answering the questions, hahaha! Very Rhian-like.
She keeps accusing the commenter of other things but NEVER ADDRESSED WHY PEOPLE SHOULD DEPOSIT IN HER OWN ACCOUNT.”
But this one nailed it: “Simple lang yan. Kung duda kayo sa motibo e di wag kayo magbigay o kayo mismo magbigay directly sa mga need ng help. Intiendes!? KSP lang ang iba talaga or looking for relevance by engaging “famous people”!”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.