Vice Ganda: May systemic educational problem ang Pilipinas
MARAMING natutunan ang Unkabogable Star na si Vice Ganda mula sa nangyari sa kanilang segment na “Sexy Babe” kamakailan.
Matatandaang nag-viral ang isang contestant matapos niyang aminin na hindi niya alam ang COMELEC o Commission on Elections na may kaugnayan sa tanong na ibinigay sa kanya sa Q&A portion ng patimpalak.
Nitong Lunes, March 3, inamin ni Vice na dalawang bagsy ang natutunan niya mula sa pangyayari.
Ang una ay talagang maraming magaganda sa bansa at ang pangalawa ay ang “systemic educational problem” sa bansa.
Baka Bet Mo: Kim Chiu ibinuking si Vice Ganda na nagka-‘dengue’: ‘Okay na platelets ko!’
View this post on Instagram
“Napakarami talagang magagandang nilalang sa Pilipinas. At ‘yong pangalawa, may systemic educational problem ang Pilipinas, iyon ang na-realize ko,” lahad ni Vice.
Pagpapatuloy niya, “May educational problem, may educational crisis sa Pilipinas na dapat nating i-address.”
Para sa kanya ay may magandang bunga ang pangyayari dahil naging dahilan ito para magbukas ng diskusyon at nagpatunay ito na may problemang dapat solusyunan.
Samantala, hinikayat rin ni Vice na maging bukas ang isipin ng mga tao sa dahilan kung bakit may mga ibamg hindi informed tungkol rito at sa halip ay isipin kung ano ang dahilan bakit may ganito.
“‘Yong mga magulang, informed din kaya ‘yong mga magulang? ‘Yong bata lang kaya ‘yong hindi informed o mga magulang. O ‘yong buong klase. O ‘yong buong eskuwelahan? ‘Yong buong barangay? ‘Yong buong distrito? O baka buong Pilipinas na ito? Gaano na kalaki ang crisis na ito for now, kaya magandang napag-uusapan natin.
“Iyan ang pinakamagandang nangyari, for me, hindi man masyadong masaya pero at least it started a conversation,” dagdag pa ni Vice.
Nakarating naman na ang pangyayari sa COMELEC at inanyayahan ang naturang contestant para sa isang guide tour.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.