
Sylvia Sanchez, Ria Atayde
IPINAGMAMALAKI ni Sylvia Sanchez ang motherhood journey ng kanyang anak na si Ria Atayde.
Kamakailan lang, ibinandera ng batikang aktres ang isang appreciation post upang ihayag kung gaano siya ka-proud kay Ria bilang isang first time mom.
“Even when you were little, while I was away at work, you instinctively took on the role of protector and nurturer for your siblings. Motherhood was always in you—it’s who you are, Ria,” bungad sa caption ni Sylvia, kalakip ang ilang pictures ni Ria kasama ang panganay na si Sabino.
Patuloy ng veteran actress, “And now, seeing you step into this beautiful new chapter, my heart overflows with pride.”
“You are radiant, more gorgeous than ever, and I know you will be an incredible mother to Sabino!” aniya pa.
Baka Bet Mo: Sylvia hiniritan agad sina Zanjoe at Ria ng 2nd apo; ArMaine kailan kaya?
Mukhang na-touch si Ria sa sinabi ng kanyang ina at siya ay nag-reply via comment section.
“Love you Ma!” sambit niya kay Sylvia.
Kung matatandaan, noong March last year nang ikinasal sina Ria at Zanjoe Marudo sa isang civil ceremony sa Quezon City matapos ma-engage ng isang buwan.
June 2024 naman nang ibinunyag ng couple sa publiko na magkaka-baby na sila.
Nitong Pebrero lamang nang bumandera sa social media ang naging binyag ni Sabino.