Romualdez ginigipit ni Roxas? | Bandera

Romualdez ginigipit ni Roxas?

Bella Cariaso - , November 19, 2013 - 02:58 PM


MANILA — Tila ginigipit ni Interior Secretary Manuel Roxas II si Tacloban City mayor Alfred Romualdez. Ito ay ayon sa abogado mismo ni Romualdez na si Alex Avisado, matapos umanong hilingin ng kalihim ng Department of Interior and Local Government ang alkalde na sulatan si Pangulong Aquino at sabihin dito na hindi na niya kayang gampanan ang kanyang trabaho, at kanya nang ipinapasa ang responsibilidad kay Roxas.

Bukod dito, dagdag pa ni Avisado, nais din ni Roxas na magpasa ng resolusyon ang Tacloban City council na magsasabi na hindi na kaya ni Romualdez ang trabaho kung kayat isinusuko na nito ang otoridad kay Roxas.

“He wants the City Council of Tacloban also to pass a resolution to the same effect, but no one wants to do it. Only one member of the council came when they were called,”  ayon pa kay Avisado.

Ang Tacloban ay isa sa mga lugar sa Visayas na labis na nabugbog ng super bagyong Yolanda.  Ang mayor ay pamangkin ni dating First lady Imelda Marcos.

Umani nang matinding batikos mula sa national government ang lokal na pamahalaan ng Tacloban City dahil sa hindi umano naging sapat ang paghahanda nito kay ‘Yolanda’.

Sa kabilang banda ay umani rin ng batikos ang national government dahil sa paninisi nito sa mga lokal na pamahalaan, sa kabila nang matinding epekto na kanilang dinanas mula sa bagyo.

Samantala, sinabi ni Aquino na patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa kung may pagkukulang nga ba ang lokal na pamahalaan ng Tacloban.

“That is a matter that is subject of investigation…I’d rather have the investigation finished before I accused anybody…,” sabi ni Aquino.

Sa kabila nito, ilang beses nang pinaringgan ni Aquino si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez hinggil sa kahandaan ng lokal na pamahalaan, gayundin ang ginagawang rehabilitasyon at relief operations sa lungsod.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending