
Maris Racal at Anthony Jennings
PURING-PURI ng netizens ngayon ang aktres na si Maris Racal dahil ang pelikula niyang “Sunshine” na idinirek ni Antoinette Jadaone ay nanalo ng Crystal Bear sa katatapos na 75th Berlin International Film Festival (Berlinale).
Ang Crystal Bear ay ibinigay sa Best Film both for Generation Kplus at Generation 14plus competition.
“Lucky girl” ang tawag ngayon kay Maris dahil bukod sa nanalo ang pelikulang pinagbidahan niya ay lagi siyang trending ngayon sa karakter niyang Gab Rivera sa seryeng “Incognito” dahil sa mahusay niyang pagganap.
Nagpakitang-galis si Maris sa pagsasalita ng Italian ng nasa Italy sila at pagbalik ng Pilipinas ay nakipagtagisan naman siya sa pagsasalita ng Ilonggo kay Joel Torre na tatay niya.
Baka Bet Mo: Anak ni K Brosas may banta sa mga nanloko sa nanay niya: Sa korte galingan n’yo ang punchlines n’yo
At siyempre palaban din siya sa pagsasalita ng English sa co-actors niyang sina Anthony Jennings, Kaila Estrada, Baron Geisler, Ian Veneracion, Richard Gutierrez at Daniel Padilla.
Effortless ang acting ni Maris o Gab dahil may konting comedy ang dating pati sa pagpapanggap niyang abogado ni Anthony o Tomas Guerrero nang makulong ito at napaniwala nito ang pulis kaya pinakawalan ang kanyang partner sa “Incognito.”
May kapalit naman pala kaya tinulungan ni Maris si Anthony para tulungan siyang akyatin ang bahay ni Joel at may pinapakuhang importanteng bagay, ang fur babies na sina Bud at Dy na ikinaloka ng binata dahil pagkakuha ay nahuli siya at hindi naman na siya tinulungan dahil iniwan na siya sa tauhan ng ama.
Anyway, base sa nasagap namin ay kaswal na ang kilos sa isa’t isa nina Anthony at Maris kapag nasa set ng “Incognito” na tila hindi sila dumaan sa matinding isyu o baka pareho nang naka-move on.
Samantala, nagpapasalamat ang Team Incognito dahil nagtala sila ng 997,260 concurrent viewers nu’ng Pebrero 21 sa episode na dinukot ni Baron/Miguel ang anak na si Mickey o Lucas Andalio.