Pelikula ni Maris Racal na ‘Sunshine’ wagi sa 75th Berlinale

Pelikula ni Maris Racal na 'Sunshine' wagi sa 75th Berlinale

PINARANGALAN ang pelikulang “Sunshine” na pinagbibidahan ng Kapamilya star na si Maris Racal bilang Crystal Bear for the Best Film sa 75th Berlin International Film Festival o kilala rin bilang Berlinale.

Sa kanilang official Instagram page ay ibinahagi nila ang mga pelikulang nagwagi sa kanilang Film Festival.

Ang magandang balita ay ibinahagi naman ng project8projects sa kanilang Instagram page at naka-tag rin si Maris sa naturang post.

“This film takes a sensitive view on its modern and socially critical topic and its strong message. It touched us not only through the acting performances, but also with its dark, yet hopeful and empowering atmosphere, which the filmmakers created with their way of storytelling.”, ayon raw sa mga jury ng Berlinale.

Baka Bet Mo: Maris Racal rumampa sa red carpet ng Berlinale 2025: ‘Truly unforgettable!’

Umiikot ang kwento ng pelikulang pinagbidahan ni Maris tungkol sa isang atletang nagbuntis sa himdi imaasahang pagkakataon, habang siya ay naghahanda para sa kanyang kompetisyong sasalihan.

Masaya naman ang direktor nitong si Antoinette Jadaone at bukod rito ay nag-sold out rin ang premiere night ng naturang pelikula.

Chika naman ni Maris sa kanyang naging interview sa ABS-CBN News, matagal na raw niyang pangarap na makasali at maka-attend sa isang international film festival.

“Matagal ko ‘tong hinintay na maka-attend sa isang prestigious film festival like Berlinale. I’m also very happy to announce din that Sunshine will be in competition under the Generation 14 plus category which tackles stories about children, teenagers.

“Super happy kami kasi it’s only one of the two films in competition, it’s a huge thing for us,” saad ni Maris.

Kalahok rin ang “Sunshine: sa Palm Springs International Film Festival sa USA.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng blessings para sa dalaga sa kabila ng kanyang kinasangkutang cheating issue kasama ang kanyang ka-love team na si Anthony Jennings.

Read more...