SI Susan Tan, may-ari ng grocery store sa Guiuan, Eastern Samar ang nagpatawad sa mga taong nag-loot sa kanyang tindahan at bodega noong Lunes, Nob. 11, tatlong araw matapos bugbugin ng supertyphoon “Yolanda” ang Eastern Visayas.
Kahit na siya’y dismayado, kinalimutan na niya ang ginawa ng kanyang mga kapitbahay, empleyado ng gobyerno at kahit pulis na nag-ransack ng kanyang tindahan at bodega.
Ang sinisisi niya ay ang gobyerno dahil sa mabagal na pag-responde sa pagsalanta ni “Yolanda”, ang pinakamalakas na bagyo sa mundo.
Sinabihan na raw niya ang kanilang munisipyo noong Sabado, isang araw matapos masalanta ang Guiuan, na ipamimigay na niya ang lahat ng laman ng kanyang tindahan at bodega dahil alam niyang nagugutom na ang kanyang mga kababayan.
Alam niyang lolooban na ang kanyang tindahan ng mga taong nagugutom.
Sabado at Linggo nakapagtinda pa sila.
Pero nang sumapit ang Lunes, nilimas ng mga tao ang kanyang tindahan at bodega.
Nakapagpadala pa ng tatlong six-by-six truck ang military sa kanyang tindahan at naghakot ng mga laman ng kanyang grocery.
Pero nang umalis ang mga sundalo ay nag-umpisa nang looban ang kanyang tindahan.
Ang nawala kay Tan ay P10 million worth of goods na binili niya ng utang.
Kahit na nilimas ang kanyang tindahan, binuksan pa rin niya ang kanyang tindahan upang makapagtawag ang mga tao ng libre na binigay ng Smart Communications.
Nang tinanong si Susan kung bakit niya hindi nilisan ang Guiuan, sinabi niya na, “Wala na akong magawa kundi tumulong. Pinatatawad at kinalimutan ko na lang ang ginawa sa akin.”
Susan, makinig ka sa akin, na nakakita na ng kabutihan at kasamaan sa mundo bilang beteranong journalist at police reporter: Maganda yang ginawa mong magpatawad.
Kalimutan mo ng sandali na birtud or virtue ang pagpapatawad dahil ito’y talagang birtud.
Ang isipin mo na lang na ang mga taong nagpapagtawad ay tumatagal ang buhay.
Ang mga taong gumawa ng masama sa iyo ay kakarmahin din. Sigurado ako riyan.
Ang taong marunong magpatawad ay nagiging malusog ang pangangatawan dahil hindi nagkakasakit ng malubha.
Ang grudge o pagtatanim ng sama ng loob ay nagdudulot ng mga karamdaman gaya ng cancer, ulcer at sakit sa puso.
Sa palagay ko ay mas tatagal ang iyong buhay, Susan, kesa doon sa mga taong nag-loot sa tindahan mo.
Ang mga doktor ng Sagipbayan Foundation ng St. Luke’s Hospital sa Quezon City ay nag-volunteer na gamutin ang mga pasaherong bumababa sa Villamor Air Base sa Pasay City galing ng Tacloban, Leyte.
Ang mga pasahero ay biktima ni “Yolanda” at makikituloy sa kanilang mga kamag-anak sa Metro Manila.
Palit-palitan ang mga doktor ng Sagipbayan sa paggagamot sa mga kapuspalad.
Karamihan sa mga doktor na nabanggit ay sumasama sa aking mga medical mission.
St. Luke’s doctors are among the highest paid in the country and earning big money from consultations by patients.
Bakit sila siniswerte? Dahil gumagamot sila ng mga mahihirap na pasyente ng walang bayad. Ito’y ginagawa nila tuwing medical missions na nagaganap bawa’t buwan.
Ginagantimpalaan lang sila ng Sanlibutan (Universe) ng kanilang ginintuang puso.
As you sow, so shall you reap, sabi ng Bible.
Isa pang tao na ma-ganda ang karma dahil tumutulong sa mahihirap ay si Dr. James Dy, nagmamay-ari ng Chinese General Hospital at Medical Center sa Maynila.
Dy, who is not a medical doctor but a holder of a Ph.D honoris causa and therefore is entitled to the honorific title of “Doctor,” is a philanthropist.
Naglaan si Dr. Dy ng malaking espasyong ward para sa mga mahihirap sa kanyang ospital.
Ang mga sundalo at pulis na nasugatan dahil sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin ay libre ang pagpapagamot at pagpapa-ospital sa Chinese General Hospital and Medical Center.
Si Dy ay malakas na malakas pa sa edad na 84. Tatalunin pa niya sa lakas ang mga papatay-patay na mga lalaking 44 taong gulang.
Nagsi-swimming si Dy araw-araw ng 1,000 meters sa Olympic-size pool. Mahirap kaya gawin yun.
Ang pag-iisip ni Dy ay sinlinaw pa ng mga taong 30 years old.
Ang sekreto ni Dy?
Maganda ang kanyang karma.
Ginagantimpalaan ng Sanlibutan ang mga taong may ginintuang puso hindi lang ng material abundance kundi ng malusog na pangangatawan.
Health is wealth, ‘ika nga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.