Hidilyn Diaz super happy, weightlifting kasama na sa Palarong Pambansa

Hidilyn Diaz super happy, weightlifting kasama na sa Palarong Pambansa

PHOTO: Instagram/@hidilyndiaz

TUWANG-TUWA ang Tokyo Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz dahil matutupad na ang isa sa mga pinapangarap niya.

Sa Instagram, proud na ibinalita ni Hidilyn na kabilang na sa demonstration sport ng Palarong Pambansa ang weightlifting this year!

Kwento niya sa isang Instagram post, “It started as a dream, and finally, WEIGHTLIFTING is included as a demonstration sport in the PALARONG PAMBANSA.”

“I have long hoped for my sport to once again be part of the biggest national sporting event for student-athletes in the Philippines. Now, it’s finally happening,” patuloy niya sa IG.

Baka Bet Mo: Hidilyn Diaz magbibigay ng suporta sa kanyang weightlifting community

Kasunod niyan ay pinasalamatan niya ang Department of Education (DepEp), lalo na ang kalihim ng ahensya na si Sec. Sonny Angara, pati na rin ang Palarong Pambansa Board, at ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).

Pagpapahayag pa ni Hidilyn, “The technical working group and I are doing our best, working hard on this, and hoping it will soon become a regular sport.”

Ang 2025th edition ng Palarong Pambansa ay aarangkada simula May 24 hanggang June 2 sa Laoag, Ilocos Norte.

Kung matatandaan, taong 2021 pa nang iminumungkahi ang weiightliftng na mapasali sa nasabing multi-sport event ng mga eskwelahan.

Samantala, taong 2020 nang makuha ni Hidilyn ang unang gold medal ng Pilipinas nang manalo siya sa 55 kg category para sa weightlifting.

Read more...