Engaged netizen gusto nang umurong sa kasal: Sobrang sama ko ba?

Engaged netizen ayaw nang pakasalan ang dyowa: Sobrang sama ko ba?

Stock Image

TURNING 30 years old na ang isang female netizen na four years nang engaged sa kanyang fiancé at more than 10 years nang magkarelasyon.

Ang problema ni Ate Girl, parang ayaw pa niya talagang magpakasal at nagdadalawang-isip na bumuo agad ng sarili niyang pamilya kahit na mawawala na ang edad niya sa kalendaryo.

Sa open letter na ipinost ng anonymous sender sa Facebook page na Peso Sense, isinalaysay niya ang kanyang dilemma sa pinagdaraanang problema.

“Hi I need some advice. I’m turning 30 this year and ito na yung age na promise ko sa boyfriend ko na papayag na ko ikasal kami. 4 years ago pa sya nag propose. We’ve been together for almost 10 years and alam ko naman love nya ko.

Baka Bet Mo: Aktres naloka sa natuklasan kay aktor nang magchurvahan, ‘dyutay’ daw

“He will turn 36 sa March and alam ko gusto na nya mag settle down pero masyado nya ko kino-consider kasi sabi ko ayoko pa talaga. Di pa ko ready and marami pa ko gusto gawin,” pagsisimula ni Ate Girl.

Pagpapatuloy pa niyang revelation,  “Sobrang patient naman nya with me kasi okay sa kanya lahat. He’s good guy and I know how much he loves me. Since umpisa ng relationship namin he does all of the 5 love languages to express his love for me.

“I can sense that he will be an amazing hasband din in the future kasi good provider sya like bukod sa work nya, he also has a small business on the side. Nalibot ko rin buong Pilipinas dahil sa kanya as in sobrang dami kong dapat ipag pasalamat dahil sa kanya,” sey pa niya.

“Naiiyak ako habang tinatype ko to kasi wala namang mali sa kanya pero alam mo yun I’m starting to think kung ito ba talaga gusto ko? Kung siya ba talaga gusto ko?

“He’s my first boyfriend and I never really had the chance to explore and get to know other people parang siya nalang bigla and siya na dapat forever kasi wala naman kaming problema diba? Pero sobrang sama ko ba if I want to explore and get to know other people muna?” sey pa niya.

Pag-amin pa ng sender, “I feel like I want to break up with him. Parang may gusto ako hanapin pero hindi ko alam kung ano. What if may iba pa palang nakalaan for me pero hindi ko nameet kasi it was always just him?

“I want to try to work abroad or perhaps marriage isn’t really for me lang talaga kaya ganito ako.

“Di ko alam pano ko sasabihin sa kanya to. I feel bad kasi wala kaming problema pero gusto ko mapag isa. May nakafeel na ba nito? What should I do? Sobrang sama ko ba?” ang buong laman ng letter ng female netizen.

“I love you, goodbye” ang peg ng hugot ni Ate Girl dahil gulung-gulo na ang isip niya. Kayo mga ka-BANDERA, anong maipapayo n’yo sa kanya? Hiwalayan na agad o ipaglaban pa ang dapat ipaglaban.

Read more...