
Dave Almarinez at Ara Mina
ANG bongga naman pala ng award-winning actress na si Ara Mina dahil isa pala siya sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng first Pinoy-owned ride-hailing app sa bansa.
Sa tulong at suporta ng kanyang asawang si Dave Almarinez, naisakatuparan ng aktres ang pagbuo ng PeekUp.
“Kasi, sabi ko, kaya nating lumaban. I believe na kaya ng Filipino na magkaroon ng sarili nating ride-hailing app,” sabi ni Ara sa paglulunsad kamakailan ng PeekUp executive ride to and from the airport.
Super happy si Ara na unti-unti nang nakikilala at pumi-pick up ang PeekUp, ang unang Pinoy ride-hailing app na sinimulan nilang mag-asawa last year.
May, 2024 inilunsad nina Dave at Ara ang kanilang business. Wala pang isang taon pero ang laki na agad ng inasenso nito dahil wala rin namang tigil ang mag-asawa sa pagpapaunlad ng kanilang business.
And after a year nga, inilunsad naman nila ang executive ride to and from the airport.
Ipinakita ni Dave sa ilang members ng media ang sosyal at high end na mga sasakyan na maaaring mai-book ng mga Pinoy passengers.
Talagang bumili pa sila ng mga bagong BMW X5s and X1s para gamiting pangsundo at panghatid sa airport ng mga commuter!
Sabi ni Dave, marami ang nagre-request sa kanila lalo ang mga negosyanteng gustong magkaroon ng magandang ride to and from airport.
“So, naisip namin, we will be the first mover, at ‘yung mga negosyante, hindi lang mga local, kundi mga foreign traveler din ang makakaranas ng first class services,” sey pa ni Dave.
Nalaman din naming walang extra charge ang mga executive and premium rides at wala ring nangongontrata tulad ng mga karaniwang reklamo sa mga driver sa airport.