Chloe San Jose binuking pamilya Yulo, hindi nagparamdam sa b-day ni Carlos

Chloe binuking pamilya Yulo, hindi nagparamdam sa b-day ni Carlos

Chloe San Jose at Carlos Yulo

NAKATIKIM na naman ng matitinding batikos ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ng masasakit na salita mula sa mga bashers sa social media.

Negang-nega na naman ang Pinoy athlete sa mga netizens matapos siyang akusahan ng kung anu-ano sa pagse-celebrate niya ng kanyang 25th birthday nitong nagdaang February 16.

Mismong kaarawan ni Caloy ay nagbahagi ang girlfriend niyang si Chloe San Jose sa Facebook ng mga pictures nilang magdyowa na kuha sa birthday celebration ng Olympics gold medalist.

Magkasamang ipinagdiwang nina Carlos at Chloe ang naturang okasyon sa Ho Chi Minh City, Vietnam nitong nagdaang linggo.

Ani Chloe sa caption ng kanyang post, “To my favourite person in the universe and my heart’s biggest blessing, happy 25th birthday mahal ko Carlos.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo ayaw mag-artista: Hindi po ako marunong umarte!

“I wish you nothing but the best and the fulfillment of every dream you hold close to your heart.

“I’m beyond grateful to love you, laugh with you, and grow with you—thank you Lord God. Here’s to more birthdays to come and celebrate together, forever,” mensahe pa ng content creator.


Mababasa sa comments section ng post ni Chloe ang tanong ng netizens kung bakit wala sa selebrasyon ang pamilya ni Carlos. Hirit ng isang FB user, “Hindi talaga niya invite yong familya niya.”

Matapang at diretsahan itong sinagot ni Chloe ng, “Why would you invite people to your birthday when they don’t even bother making an effort to greet and celebrate you, kung gusto mo yung mga ganong bisita sa birthday mo ikaw na lang sis.”

May isa pang netizen ang nagkomento ng, “Nagpapakasaya ka pero ang magulang mo d mo pinapansin. Happy???”

Resbak sa kanya ni Chloe, “Yes sis happy si Caloy, which makes y’all haters shake and your blood boil lmao.

“Eh yung mga relatives niya kaya naisip mo ba if pinapansin/pinansin and binati man lang nila si Caloy? The double standard,” panunupalpal ng vlogger sa basher.

Patunay lamang ang mga bagong hugot ni Chloe na hindi pa rin maayos hanggang ngayon ang relasyon ni Carlos sa kanyang pamilya sa kabila ng pagkikita kamakailan ng binata at ng kapatid niyang si Karl Eldrew Yulo sa isang sports event.

Sa lahat ng isyung kinasasangkutan ni Carlos at ng kanyang pamilya ay palaging si Chloe ang nagsasalita at nagtatanggol sa kanyang dyowa.

Si Chloe ang sinisisi ng nanay ni Caloy na si Angelica Yulo na sumira sa relasyon nilang mag-ina. Ito’y matapos akusahan ng mga netizen si Angelica na mukhang pera dahil sa pagwawaldas umano sa pera ni Carlos.

“Ang naging mitsa lang naman talaga ever since yung babae talaga. Lalong lumaki (ang hindi pagkakaunawaan),” ani Angelica na humingi rin agad ng tawad sa anak sa lahat ng kanyang mga nasabing hindi maganda.

Read more...