Vina, Pokwang, Sam YG pinagtawanan ‘pabangga-pasagasa’ modus: ‘Best actor!’

Vina, Pokwang, Sam YG pinagtawanan ‘pabangga-pasagasa’ modus: ‘Best actor!’

Modus; Vina Morales, Sam YG, Pokwang

MAY bagong modus na kumakalat ngayon na ang tawag ay “pabangga-pasagasa” na kadalasan ay nangyayari sa mga masisikip na daan o mabagal na trapiko.

Ang ginagawa riyan ng mga suspek –sinasadya nilang magpabangga o magpasagasa sa isang sasakyan na mabagal ang takbo upang makapanloko ng pera.

Isang halimbawa na riyan ‘yung recent Instagram post ng radio personality na si Sam YG na kuhang-kuha sa video ang ginawa ng suspek.

Hindi binanggit ni Sam kung siya ang nabiktima o kakilala niya, pero mapapanood sa video ang isang topless na lalaki na nakatayo sa gilid ng kalsada at nang umabante ang kotse malapit sa kanyang pwesto ay kitang-kita na bigla itong sumugod papunta sa nasabing sasakyan upang umarte na siya ay binangga.

Baka Bet Mo: Pokwang: Yung mga pinagdaanan namin ni Herlene wala na po, kabag na lang!

Ang nakakatawa pa ay napakalayo ng kanyang tinalsikan na imposibleng mangyari dahil napakabagal ng takbo ng nasabing kotse.

Mukhang naging aware ang may-ari ng sasakyan kaya hindi siya nagpaloko at umalis na agad, habang ‘yung suspek ay biglang tumayo at tiningnan na lamang ‘yung sasakyan habang papalayo na sa kanya.

Dahil diyan, tila nang-asar si Sam YG na ang sabi sa kanyang post ay, “Ang bilis ng pangyayari [shocked face emoji].”

Ang caption din mismo sa video: “New modus in the [Philippine flag emoji]. Please be safe everyone.”

 

Napakomento naman diyan si Vina Morales at pabirong pinuri ang scammer: “Hala!!! Bigyan ng jacket yan for best actor. Ang galing eh.”

Napamura naman si Pokwang at sabay sabing, “Kaninong talent ito?????? napaaga pasok niya sa eksena!!”

Biro pa ng komedyana, “Cut!!!!!!!! diba sabi ko hintayin niya ang pison saka siya haharang! Oh my God!!! again isa pa take 2! hintayin mo ang pison kuya ano ba sayang ang film!!!! [laughing, smiling face emojis].”

Napatawa rin si Inka Magnaye at lahad niya, “He flew so far hahaha.”

Ang anak naman ni Gary Valenciano na si Paolo ay umamin na naging biktima siya ng ganitong klaseng modus.

“This happened to me in Makati [teary-eyed emoji],” pagbabahagi niya sa comment section.

Read more...