Bianca Umali inialay ang best actress award sa Japan kay Nora Aunor

Bianca Umali inialay ang best actress award sa Japan kay Nora Aunor

Bianca Umali at Nora Aunor

ULTIMATE dream ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang tumagal sa entertainment industry tulad ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Kung meron daw siyang gustong gawin for the rest of her life sa kanyang showbiz career, iyan ay walang iba kundi ang umarte hanggang sa tumanda na siya.

Magkasama sina Bianca at Ate Guy sa horror film na “Mananambal” mula sa BC Entertainment Productions at Viva Films at sey ng Kapuso star, napakarami niyang natutunan sa pagsasama nila ng National Artist.

Kuwento ni Bianca, may isang eksena raw sila sa pelikula na talagang inatake siya ng matinding nerbiyos dahil hindi sila masyadong kumportable sa sitwasyon.

Baka Bet Mo: Nora Aunor hindi naka-attend sa ‘Mananambal’ presscon, anyare?!

“I was very nervous to do that scene and it was one of those days na kaming dalawa  lang po yung magkasama nun on set. It was not a comfortable situation to be in pero being there with her and seeing her acting as if she was as young as she used to be, it was magical,” pagbabahagi ni Bianca.

Dagdag ng girlfriend ni Ruru Madrid, “Ayun yung sinasabi ko na masterclass because I dream of being like that.”


Nais din daw ni Bianca na dumating ang panahon na maging inspirasyon din siya sa ibang artista tulad ng nagagawa ni Nora sa mga kapwa nila aktor.

“No matter how cruel this world is you hold on to what you love doing and you do it to inspire people and to be kinder to the people around you,” aniya.

Natutunan din daw niya mula kay Ate Guy ang ibigay ang buong tiwala sa kanyang mga co-actors para mas maging natural at makatotohanan ang bawat eksenang ginagawa nila.

“The level of kung paano po siya magtiwala sa mga katrabaho niya, regardless kung ano po ang posisyon.

“Isa po kasi yun sa mga learnings ko as one of the new generation of actors dito po sa industriya, kung gaano po kahalaga ang healthy and collaborative working environment and isa po yun sa nakita ko kay Ate Guy,” pagbabahagi pa ni Bianca.

Ang pelikula ay nakatanggap ng international recognition matapos itong ipalabas sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan noong May, 2024. Iginawad ng festival ang Best Dramatic Actress award kay Umali para sa kanyang pagganap bilang Alma.

“This means the world to me,” sey ng aktres sa kanyang acceptance speech. “This award acknowledges all of the hard work and dedication that I have poured into my craft and in this project.”

Inialay din ng dalaga ang kanyang parangal kay Ate Guy, “Karangalan ko po na makatrabaho kayo and I hope that you are here with me, maraming, maraming salamat po.”

Samantala, iikot ang kuwento ng “Mananambal” sa isang grupo ng kabataan na nagsamantala sa pamilya ng isang “mananambal” o faith healer para sa kanilang kapakinabangan, magdadala ito sa kanila ng mga katatakutan na hindi nila kayang takasan.

Isang grupo ng content creators na maglalakbay patungong Sitio Cambugahay upang hanapin si Lucia (Nora), isang “mananambal” na naging viral dahil sa kanyang healing powers. Ang isang “mananambal” ay isang Pilipinong manggagamot na gumagamit ng traditional medicine, at meron ding kakayahan sa kulam.

Ang kanilang paghahanap kay Lucia ay magdadala sa kanila para makilala si Alma (Bianca), ang anak ni Lucia, na nais mabuhay ayon sa sariling kagustuhan dahil hindi nito gustong sumunod sa yapak ng kanyang ina.

Ngunit ang paggamit ng grupo kay Alma para mapalapit kay Lucia ay magdudulot ng matinding kapahamakan kay Alma.

Nang bumalik sa Maynila ang content creators, makakaranas sila ng mga hindi maipaliwanag at nakakatakot na pangyayari, kung saan ang kamatayan ay walang humpay ang paghabol sa kanila.

Sila ba ay biktima ng sumpa ng isang mananambal, o ng isang mas madilim na pwersa? Isang bagay ang tiyak: ang lahat ng kasamaan ay may matinding kapalit. At kung may dapat silang matutunan—huwag na huwag mong gagalitin ang isang mananambal.

Mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang “Mananambal” simula sa February 19, mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.. Kasama rin dito sina Kelvin Miranda, Edgar Allan Guzman, Jeric Gonzales, at Martin Escudero.

Read more...