Bubble Gang ni Bitoy 30-anyos na, Pepito Manaloto umabot na sa 15 years

Bubble Gang ni Bitoy 30-anyos na, Pepito Manaloto umabot na sa 15 years

Dingdong Dantes at Michael V

UNLIMITED tawanan at kulitan pa rin ang hatid ng mga comedy, infotainment, game, at reality programs ng GMA 7 ngayong 2025.

Kamakailan ay ni-launch na ng Kapuso Network ang kanilang “More Tawa, More Saya” campaign kung saan naging highlight ang pagri-release ng original song with the same title, na isinulat at in-arranged ni Comedy Genius Michael V. with Aunorable Productions.

This 2025, GMA Network continues to bring unlimited laughter and fun to viewers with its award-winning and top-rating comedy and game shows, through the GMA Entertainment Group

Receny lang, inilabas ng GMA ang mini-documentary na “YouLOL Originals presents: The making of More Tawa, More Saya.” In the video, Kapuso stars and personalities share what this campaign is all about.

Baka Bet Mo: Bitoy direktor na ng ‘Pepito Manaloto’, original cast members tuwang-tuwa sa pagbabalik nila sa show

Pahayag ni Michael V., “Ito ‘yung dalawang bagay na pwede mong i-share na hindi kailangan ng pera o materyal na bagay. Pwede mong i-share ang tawa at saya sa mga kaibigan at pamilya mo, pati na rin sa mga kababayan mo.”

Dagdag ni Bitoy, “Parang nag-align ‘yung stars eh. 75th anniversary ng GMA, 30th anniversary ng Bubble Gang, tapos 15th anniversary ng Pepito Manaloto.


“Pinaghahandaan na ng Bubble Gang ang isang malaking celebration at sa Pepito Manaloto naman, magkakaroon ng extension ang buhay ng mga character sa show kaya kaabang-abang ‘yan,” aniya pa.

Excited na rin ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa 3rd anniversary ng “Family Feud.”

“Talagang more tawa, more saya sa Family Feud lalo kapag may kasama tayong nanonoood sa bahay, nakikipagkulitan tayo at nagpapagalingan tayo kung sino ang tamang sagot,” sabi ng husband ni Marian Rivera.

“The Boobay and Tekla Show,” on the other hand, is now in its 7th year with a special month-long anniversary celebration this February.

Sey ni Super Tekla, “Napakapalad namin ni Boobay, hindi namin akalain na magiging ganito kalaki at tatagal ang TBATS.”

Hirit naman ni Boobay, “Pinakahinihintay talaga nila ang magiging guests namin, kaya lalo nilang dapat abangan ‘yan sa aming celebration this month.”

Para naman sa Creative Director ng mga programa ng GMA na si Caesar Cosme, “Strength talaga ng GMA ang comedy at reminder ito sa mga tao na kalimutan muna ang mga problema, tawanan lang natin, at malalagpasan din natin kung ano man ‘yan.”

Read more...