
PHOTO: Instagram/@escuderochiz
EMOSYONAL ang fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang bonggang birthday party kamakailan lang.
Ito ay dahil sa naging sorpresa para sa kanya ng mister na si Senador Chiz Escudero na kung saan ang kanyang pasabog ay isang song performance mula kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Noong February 13 nang maganap ang selebrasyon ni Heart, kasama ang mga mahal sa buhay at ilang celebrity friends.
Nagsilbi pa ngang host sa nasabing event ang social media personality na Tim Yap na ibinandera sa Instagram Stories ang ilang moments sa nasabing party.
Baka Bet Mo: RK Bagatsing pinakilig si Jane Oineza, sinorpresa ng birthday salubong: ‘It’s the effort for me…’
Kabilang na riyan ang isang video na makikitang umiiyak si Heart, habang pinapanood na kumanta si Gary V ng “Kailangan Kita” at “Warrior Is a Child.”
Ang caption pa riyan ni Tim, “Surprise for @iamhearte planned by @escuderochiz – @garyvalenciano with songs especially chosen by chiz.”

PHOTO: Instagram Story/@officialtimyap
Bukod kay Tim, present din sa party sina Bea Alonzo, Mark Bautista, Rajo Laurel, at Karen Davila.
Siyempre, hindi pa riyan natatapos ang pasabog ni Chiz dahil ibinandera naman niya ang isang matamis na mensahe para sa kanyang misis.
“They say life begins at 40. And if that’s true, then yours is just getting started!” bungad niya sa isang IG post, kalakip ang ilang moments sa naturang birthday party.
Wika pa niya, “Happy 40th birthday, babe @iamhearte. Continue to soar higher! We are all cheering for you every step of the way.”
Nabanggit din ng senador na after ng kaarawan ni Heart ay ipagdidiwang naman nila ang ika-10th wedding anniversary nila.
“It feels like only yesterday when we were beginning our own incredible journey as husband and wife,” lahad niya sa IG.
Patuloy niya, “You are one of life’s greatest blessings that have enriched our lives. Your presence makes every day brighter. And for that, I will always have your back.”
Aniya pa kay Heart, “Here’s to a lifetime of happiness! I love you, babe!”
Matatandaang noong February 15 last year, nagkaroon ng renewal of vows sina Heart at Chiz sa Balesin Island kasabay ng kanilang 9th wedding anniversary.
Noong February 15, 2015 sila ikinasal na idinaos din sa Balesin.