
PHOTO: Instagram/@missritadaniela
MAGANDA ang pagpasok ng taong 2025 para sa celebrity mom na si Rita Daniela!
Ayon kasi sa kanya, marami siyang naka-lineup na projects at releases na kailangang abangan ng fans.
“I’d say, fully booked ako for 2025…It’s gonna be balanced kasi aside from ‘Liwanag sa Dilim,’ I’ll release my singles, so we’ll see promotions for my album, and definitely a lot of shows pa from GMA coming in. So yeah, I’m really looking forward to that,” sagot niya nang tanungin ng ilang media sa nakaraang press visit sa naturang upcoming musical.
Nang usisain naman namin siya kung magiging mas madalas na siya sa teatro, ang sey niya: “Sa ngayon po, hindi ko pa po ‘yan masasabi kung mas magiging madalas ako.”
Baka Bet Mo: V-Day 2025: Alexa, Rita ipaglalaban ba ang taong mahal kahit ayaw na sa kanila?
“Ang tagal din kasi –I think, 2018 pa ‘yung last na musical prod ko. Ngayon lang ako bumalik at 29 [years old] na ako, siyempre, iba ‘yung edad ko noon. So siyempre, mas may edad na tayo ngayon, pero kaya pa naman ng powers natin,” chika niya.
Dagdag niya, “Kung meron naman po na offer or projects that could really fit din not just the schedule, but also ‘yung heart ko kung mako-combine kami, bakit naman hindi.”
Inamin din ni Rita na nag-e-enjoy siya ngayon dahil sa theater play, lalo na’t magkakaroon na siya ng mas maraming time sa kanyang anak na si Uno.
“Iba kapag kumuha ka ng series. Alam naman natin na puyatan ‘yun, talagang kinakain niya most of your week. With this, kakainin niya kapag rehearsals. Pero once naman na nag-start na kami ng show, I’ll have more time, like ifi-free up na ‘yung weekdays ko and that’s my priority right now,” paliwanag niya.
Aniya pa, “Hindi naman tayo pwedeng tumigil sa trabaho ‘di ba, kailangan ko rin mabuhay and kailangan din ako ng anak ko kaya pinili kong mag-musical ngayon.”
Nauna nang sinabi samin ni Rita na bukod sa prayers, ang isa sa paghahandang ginagawa niya para sa upcoming musical ay ang pagpapapayat.
Ang goal niya raw kasi ay mabawasan ang kanyang timbang bago umarangkada ang nasabing show.
Ang “Liwanag sa Dilim” ay iikot sa kwento ni Elesi na ayon sa 9 Works Theatrical, “an orphan on his quest to uncover the secrets of his past. Together with Cris, his trusted ally, they fight for justice — while an undeniable connection sparks between them and the people who challenge their hearts. This ignites a revolution that redefines their worlds.”
Ang mga bida diyan ay sina Khalil Ramos, Anthony Rosaldo, CJ Navato, Vien King, Alexa Ilacad, at Nicole Omillo.
Tampok din sina Rita, Neomi Gonzales, Arnel Carrion, Boo Gabunada, Jon Abella, Raul Montesa, Rica Laguardia, Lani Ligot, at Jasper John Jimenez.
Mapapanood ang musical simula March 7 –tuwing weekends 3:00 p.m. at 8:00 p.m., pati na rin tuwing Biyernes at 8:00 p.m. sa CPR Auditorium, RCBC Plaza sa Makati City.
Ang tickets ay mabibili na sa Ticket2Me via https://ticket2me.net/LiwanagSaDilimMusical.