
PHOTO: Facebook/Jellie Aw
Trigger Warning: Violence and mentions of sexual harassment, rape.
NAKAKUHA ng suporta mula sa women’s rights group na GABRIELA ang DJ at vlogger na si Jellie Aw sa kanyang laban para sa hustisya.
Ito ay matapos ang diumano’y pananakit sa kanya ng kanyang fiancé na si Jam Ignacio.
Magugunita noong Miyerkules, February 12, ibinahagi ni Jellie sa social media ang pictures ng kanyang mukha na duguan at bugbog-sarado.
Ayon sa kanya, inatake siya ni Jam habang nasa loob ng kotse.
Baka Bet Mo: Jam Ignacio, Jellie Aw ‘nag-date’ muna bago maganap ang bugbugan?
Kwento pa ng influencer, nagkaroon lamang siya ng pagkakataong makatakas at humingi ng tulong nang hindi nabasa ‘yung RFID sticker sa toll gate.
Nitong Huwebes, February 13, nagpahayag ng suporta ang GABRIELA para kay Jellie.
“We recognize the courage it took for DJ Jellie Aw to publicly speak out about the abuse she suffered at the hands of her fiancé. We stand behind her in her fight to hold Jam Ignacio accountable for his crimes,” sey ni GABRIELA Secretary General Clarice Palce sa isang pahayag na ibinandera sa Facebook.
Binigyang-diin ng organisasyon na maraming kababaihan ang nahihirapang magsumbong sa mga kasong harassment at pananakit dahil sa takot, kahihiyan, at pangamba sa kanilang kaligtasan.
Sambit ni Palce, “Ms. Jellie’s experience resonates with thousands of women and children in communities who suffer abuse within and outside their homes. It is paramount that we unite to end VAWC, including rape and sexual exploitation, which has seen an alarming rise, particularly among young women and girls.”
Aniya pa, “Rise with us and lend your voice to the call to end violence against women and children. Rise for freedom from abuse and exploitation. Rise for justice.”
Si Jam ay dating karelasyon ng batikang aktres at TV host na si Karla Estrada.
Matatandaang si Jellie at Jam ay na-engage noong Nobyembre ng nakaraang taon matapos lamang ang apat na buwang magdyowa.
Samantala, nagsimula naman ang relasyon nina Jam at Karla noong June 2019 at nagtapos noong July 2024.
Sa isang panayam, nabanggit ni Estrada na hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay.
Sinabi rin ng celebrity mom na si Jam lamang ang naging ex-boyfriend niya na hindi niya nakasundo pagkatapos ng break-up.