
PHOTO: Facebook/Jellie Aw
Trigger warning: Violence.
MUKHANG magpapagaling muna ang vlogger at influencer na si Jellie Aw matapos bugbugin umano ng kanyang fiancé na si Jam Ignacio.
Bungad niya sa Facebook Story, “Lubos po akong nagpapasalamat sa mga nag-message sakin na nagpaparating ng kanilang suporta at panalangin.”
“Sa ngayon po ay kailangan ko muna magpahinga. Maraming salamat pong muli,” mensahe pa niya.

PHOTO: Facebook Story/Jellie Aw
Kamakailan lang, ibinandera ni Jellie ang kanyang mga litrato ng ginawang pambubugbog umano sa kanya ni Jam na duguan at bugbog-sarado ang mukha.
Baka Bet Mo: Jam Ignacio, Jellie Aw ‘nag-date’ muna bago maganap ang bugbugan?
Ibinahagi rin ng kanyang kapatid na si Jo Aw ang iba pang litrato na halos pikit na ang mata at putok ang bibig ni Jellie.
Sey sa caption, “BIGLA NA LANG PINAGSASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKA-LOCK NA SASAKYAN!”
Kwento pa ng kapatid ni Jellie, “Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kinuha mo ‘yung cellphone, buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw ‘yung ate ko pagbaba ng bintana at nakahingi ng tulong sa TELLER sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo ‘yung mga pulis!”
Kasunod niyan ay humiling si Jo sa publiko na ipagdasal ang ate niya na isinugod na nila sa ospital.
Nagpa-medical na rin daw si Jellie para magamit sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Jam na dating partner ng TV host-actress Karla Estrada.
Bago pa mangyari ang pambubugbog, nakapag-post pa si Jellie sa Instagram na maayos pa ang sitwasyon nilang dalawa at nakapag-date pa.
Kaya naman maraming Marites ang takang-taka kung ano ang nag-trigger ng madugong bugbugan.