Karla Estrada iniligtas, swerteng nakawala sa ex-dyowang si Jam Ignacio

Karla Estrada iniligtas, swerteng nakawala sa ex-dyowang si Jam Ignacio

TILA nailigtas raw ang TV host-actress na si Karla Estrada sa posibleng pang-aabuso ngayong hiwalay na ito sa dating longtime boyfriend na si Jam Ignacio.

Ito ay pagkatapos kumalat sa social media ang diumano’y pambubugbog nito sa current fianceé na si Jellie Aw.

Marami sa mga netizens ang nagulat sa pambubugbog ng dating karelasyon ni Karla sa kanyang current dyowa dahil base sa Instagram stories nito ay magkasama pa sila sa isang salon kung saan nagpapalinis ng kuko si Jellie.

Ngunit base sa Facebook post ng kapatid ng DJ ba si Jo Aw, naganap ang pananakit sa kanyang kapatid sa loob ng sasakyan.

Baka Bet Mo: Karla Estrada inispluk ang tungkol sa tunay na lovelife ni Daniel Padilla

Nakahingi lang daw ito ng tulong si Jellie nang hindi mabasa ang RFID sa isang toll gate kaya nakapagbaba ito ng bintana at agad humingi ng tulong sa teller.

Sey ng mga netizens, blessing in disguise raw ang naging paghihiwalay ni Karla at Jam dahil inilayo ang una sa paparating na kapahamakan.

“monyo pla tong ex ni miss Karla. It’s really gud lang pla na hiwalay na sila ni miss carla!!! hulihin yang monyung yan! c ate girl nman kc lagu ngpaparinig ky carla na “ante at mommy”! yan tuloy mas nging kamukha mo ngayon ang mummy joke lang poh.. i feel sorry for ate girl,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “jusme kahit anong dahilan matinde man yan d dapat nananakit ang lalake walang karapatan kahit sino ang mankit kahit asawa pa yan ….ngaun pa lang wag nyo na papatulan ang ganyang lalaki.”

“Karma niya siguro yan after mocking Karla Estrada and calling her ‘Mommy’ sa IG. Ayan, na karma aga,” sabi naman ng isa.

Dagdag pa ng isa, “Halos mawasak ang mukha ni idol tinarget talaga mukha para wala ng pumorma ang ganda kasi ni idol…. kawawa pag nag mahal ka nga naman ng maling nilalang, parang gusto ka ng tapusin ng lalaki idol sa itsura mo 4 sure ilang sapak inabot mo sa kanya tapos patatawaren mo lang no hahaha, dapat diyan makulong mag bayad ng danyos at bawal na bawal makalapit oli sayo.”

Read more...