Jam Ignacio, Jellie Aw ‘nag-date’ muna bago maganap ang bugbugan?

Jam Ignacio, Jellie Aw 'nag-date' muna bago maganap ang bugbugan?

Jam Ignacio at Jellie Aw

Trigger warning: violence

ILANG oras bago magsumbong sa publiko ang DJ na si Jellie Aw tungkol sa pambubugbog sa kanya, tila okay pa sila ng dyowang si Jam Ignacio.

Base sa kanyang mga post sa Instagram, maayos pa ang sitwasyon ng dalawa kaya naman takang-taka at napapanganga ang mga Marites kung ano ang nag-trigger ng madugong bugbugan.

Sa Instagram story ni Jellie kahapon, February 11, makikitang nag-date pa sila ni Jam kung saan sinamahan pa siyang magpa-manicure sa babaeng tinatawag nilang “Ate Carla.”

“(Jam Ignacio) inip ka na? (Ate Carla), pabilis daw hehe!” ang nakasulat sa text caption ni Jellie.

Baka Bet Mo: Karla boldyak sa fiancée ng ex-BF: Nanahimik ako! Wag mo damay work ko!

Hindi binanggit ni Jellie kung kailan nangyari ang kanilang “date” ni Jam o kung anong petsa kinunan ang mga litrato nila pero in-upload nga niya ito kahapon.

At makalipas ang ilang oras ay ang duguan na nga niyang mukha ang nakabalandra sa kanyang IG story na may caption na, “Taena mo (Jam Ignacio). Magkita tayo sa kulungan!”


Sa IG Story naman ng kapatid ni Jellie na si Jo Aw, humiling ito sa publiko na ipagdasal ang ate niya na isinugod daw nila sa ospital matapos bugbugin umano ni Jam.

Nauna rito, parehong nag-post ang magkapatid sa kani-kanilang Facebook account tungkol sa ginawa raw ni Jam. Ipinakita nila sa mga netizens ang mga litrato ng bugbog-saradong mukha ni Jellie.

Bukod dito, nagbahagi rin mismo ni Jellie sa kanyang Facebook account ng kanyang mga litrato kung saan makikita rin ang bugbog-sarado niyang face.

Ang caption ni Jellie sa kanyang FB post, “HAPPY VALENTINES? taena mo Jam Ignacio mapapatay mo ko wala akong ginawang masama para ganituhin moko. Halos mamatay ako sa ginawa mo! papakulong kita!”

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement si Jam Ignacio hinggil sa mga akusasyon sa kanya ni Jellie. Bukas ang BANDERA sa kanyang magiging pahayag.

Nagpadala na ng mensahe ang BANDERA kay Jam sa pamamagitan ng private message sa kanyang Messenger upang hingin ang kanyang panig sa mga paratang ni Jellie ngunit hindi pa siya sumasagot.

Read more...