Tomboy ginawang babae ni Michael Pangilinan, kilabot din ng mga Beki
GOSH! How time flies! Really fast! Kaloka! Barely two years ago nang dumating sa buhay ko ang anak-anakan kong si Michael Pangilinan at parang kaybilis ng panahong he is doing so well na sa music industry.
Nang ipakilala sa akin si Michael ng isang common friend namin sa Zirkoh Morato one lazy evening, agad namin siyang pinakanta sa stage, this was when Gladys Guevarra was having her primetime set.
Magiliw siyang in-entertain ni Gladys that night – it was barely a month nang mamatay ang dad ni Gladys noon.
Nagkataon namang Michael sang “Dance With My Father” at biglang naluha ang matatag na komedyanang si Gladys sa entablado and that caught everyone’s attention.
That started it all. Iyon na ang pagsimula ng pagtulong namin kay Michael who was then a contract artist ni kaibigang Manny Valera. Michael sang “Dance With My Father” like his own – a version na hindi mo puwedeng palagpasin – very raw and sweet. And the rest is history.
Michael may not made it sa finals ng X-Factor Philippines (umabot lang sa top 20) but I may say na naging little passport niya iyon sa music industry.
He made guestings left and right – successfully mounted many solo shows (palaging sa paborito naming venue, ang Zirkoh Morato) and started to win everyone’s hearts sa entertainment industry.
Mahal na mahal siya ng members of the entertainment press, mahal na mahal ng mga kuya at ate niya sa showbiz (Ms. Nora Aunor, Martin Nievera, Aljur Abrenica, Duncan Ramos, Luke Mejares, Carlo Aquino, Duncan Ramos, Prima Diva Billy, Sam Milby, among others) at itinuturing na adopted son nina Laguna Gov. ER and Pagsanjan Mayor Maita Ejercito kaya lahat ng shows niya ay super-supported ng mag-asawa.
Mahal na mahal ng tatay-tatayan niyang si Kuya Germs kaya kinuhang regular sa Walang Tulugan. Maliban sa apo nito si Johnjohn, si Michael lamang ang pinapayagan ni tito Alfie Lorenzo na tawagin siyang “lolo”. Iba ang charm ng batang ito – he wins the hearts of everyone on and offstage.
Yung mga sponsors namin sa show ay itinuturing siyang anak-anakan. Kaya tuwing lumalapit kami sa kanila for ticket selling sa mga shows, basta nandiyan si Michael, hindi sila tumatanggi.
That’s his X factor maliban sa pagiging mahusay na performer. He’s the middle child nina Mommy Precy and Daddy Tony Pangilinan – panganay si Sam and bunso naman si Peter.
They are a very close-knit family – very attached. And take note, habulin si Michael ng mga babae, hindi dahil sa siya ang tinuturing na Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala, but because of his appeal to them. Hindi pa ako sure ha, iku-confirm ko pa kung playboy ba itong anak-anakan namin. Ha-hahaha!
Nu’ng nagplano kaming mag-produce ng self-titled album niya (it’s still enjoying nice rating sa airwaves – being on the top 2 sa MOR to date), tinutukan siya ng dalawa sa pinakamahuhusay na composers/arrangers, sina Vehnee Saturno and Jonathan Manalo kaya napakaganda ng mga nakapaloob na songs sa “Michael Pangilinan: Bakit Ba Ikaw?” album nito with 5 trucks, kasama na ang music video ng “Bakit Ba Ikaw?”, the album’s carrier single released through Star Records and are still available at SM stores, Odyssey and Astroplus.
Everywhere Michael performs, talagang dinudumog siya lalo na ng mga kababaihan bagets, plus the nagtitiling mga young beki na siya talagang market yata niya.
Napapangiti niya ang mga oldies tuwing bumabanat naman siya ng mga classic and slightly old and familiar songs.
“Diyos ko, nu’ng mag-show kami sa Abra, kesehodang bumabagyo ay si Michael lamang yata ang pinagkaguluhan nang todo.
Left and right ang picture-taking ng fans. Nakakaloka!” ani Roel Caba of the Philippines na minsang namangha sa pag-capture ni Michael ng audience.
Nu’ng pumunta naman kami sa Nueva Ecija sa imbitasyon ni Kuya Angelo Palmones, may isang tomboy na sa sobrang gigil ay dinamba siya sa stage at nagpakandong sa kaniya.
Naging babae bigla ang tonggril na iyon pero naputol naman ang isang ngipin ni Michael sa harap dahil sa pagdunggol ng siko ng tomboyita.
Nu’ng isang araw naman ay nagkaroon ng mall show si Michael sa Robinson’s Angeles at talagang dinagsa uli ng mga tagahanga at maraming bumili ng albums niyang naka-display sa entrance ng entertainment section ng said venue para mapirmahan lang niya.
“Gusto kong makilala sa music industry at gusto ko ring mag-artista one day. Pag marami na akong pera, tutulong ako sa family ko at ibang friends kong nangangailangan,” he says from his heart at napatunayan na namin kung gaano ka-generous ang batang ito a couple of times.
Ibang klaseng kaibigan si Michael – to the last centavo rin kung tumulong sa mga friends niya. Kaya hindi niyo na dapat pagtakhan kung bakit ganoon na lang ang suporta namin sa batang ito.
As he turns 18 this coming Nov. 26 (death anniversary ng mommy Gloria ko), we are mounting a special concert for Michael entitled “18MPH” (Music in Perfect Harmony or puwede ring Michael Pangilinan: The Heartthrob) or anything related, di ba?
Makakasama sa birthday concert niya ang mga malalapit sa puso niyang artists like Panggas Luke Mejares, Duncan Ramos and Jimmy Bondoc; ang kuya Carlo Aquino niya na super-supportive sa kaniya and other special people sa puso niya like Prima Diva Billy, Inang Willy Jones, ang incomparable comic tandem nina AJ Tamisa and Chazz, ang sikat na PGT finalists na The Miss Tres and Michael’s nanay-nanayang si Ms. Gladys Guevarra.
Gaganapin ito sa Zirkoh Morato at 10 p.m. presented by Laguna Gov. ER Ejercito, Mang Inasal and Isabela Gov. Bojie Dy. Major sponsors include Quadro Frames, Aficionado, Joel Cruz Signatures, tita Emmie Valdez, tita Ining Cruz, Kerei Beauty, Medical Group and a few more.
“Pag sinabing 18 na, meaning binata na talaga ako, di ba ‘Nay?” birong tanong sa akin ni Michael na parang may gustong ipahiwatig. Na parang nagpapaalam na puwede na siyang magseryoso sa lovelife, ganoon ba iyon?
Anyway, advanced happy 18th birthday anak. We wish you more success, just remain cool and magsipag. Tigilan na ang mga walang kuwentang kaechosan, okay? We love you, anak. Mwah!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.