Dia Mate ng Pilipinas waging Reina Hispanoamericana 2025

Dia Mate ng Pilipinas waging Reina Hispanoamericana 2025

Dia Mate

ITINANGHAL na Reina Hispanoamericana 2025 ang representative ng Pilipinas na si Dia Mate sa katatapos lamang na grand coronation night sa Santa Cruz, Bolivia.

Tinalbugan ng Filipino singer-songwriter ang 24 iba pang kandidata na rumampa sa naturang international beauty pageant.

Siya ang papalit sa trono ni Reina Hispanoamericana 2024 Maricielo Gamarra mula sa Peru. Si Dia rin ang ikalawang Pinay na nanalo sa naturang pageant na unang naiuwi ni Winwyn Marquez noong 2017.

Na-impress ang mga judge ng Reina Hispanoamericana sa sagot ni Dia nang tanungin sa Q&A segment ng, “What value do you think is the most important to our society, and why do you think this is important?”

Baka Bet Mo: Juan Karlos, Miss Universe PH Cavite 2024 nagpalitan ng ‘I love you’

Sagot ng girlfriend ng Kapamilya actor-singer na si Juan Karlos Labajo, “I think the most important value that we should have is kindness. In my experience here in Bolivia, Latinas have shown me so much kindness and so much love even though racially I am not Latino.

“And the most beautiful thing I’ve noticed is that even though we don’t speak the same language, we share the same culture, same heart, and same faith in God.


“And I hope this shows everybody that if we use kindness we can show that we are all the same and can create a better world and a better society for us all,” buong tugon ni Dia.

Bago sumali sa Miss World Philippines 2024 pageant, una munang lumaban si Dia sa Miss Universe Philippines 2024 pero hindi siya nakakuha ng kahit anong titulo.

Reina Hispanoamericana was first established in 1991 as Reina Sudamerica and only allowed countries in South America to compete. But in 2004, the organisers began to include countries in Central America.

Noong 2007, pinalitan ito sa Reina Hispanoamericana at taong 2017, pinayagan na ng mga organizers na makasali ang Pilipinas.

Read more...