Rihanna ibabandera ang magandang boses sa bagong ‘Smurfs’ movie

Rihanna ibabandera ang magandang boses sa bagong ‘Smurfs’ movie

PHOTOS: Instagram/@badgalriri; Courtesy of Paramount Pictures

OPISYAL nang magiging bahagi ng makulay na mundo ng “Smurfs” ang global pop star na si Rihanna!

Ang bubuhayin niyang karakter sa pamamagitan ng boses ay si Smurfette, base sa inilabas na unang trailer ng “Smurfs” movie.

Mapapanood sa pasilip ang Smurf Village kung saan naninirahan ang fictional character ng singer.

Ipinakilala pa nga niya ang kanyang sarili bilang pinaka-cool na Smurf sa buong village, habang pinapatugtog sa background ang kanyang hit song na “Don’t Stop the Music.”

Baka Bet Mo: LIST: 3 international films na babandera ngayong ‘love’ month

Pero teka—may twist! Biglang nagkaroon ng drama nang dukutin si Papa Smurf. 

Siyempre, sino pa ba ang tatayong bida kundi si Smurfette na nanguna sa isang matapang na misyon sa mundo ng mga tao para sagipin ang kanilang ama.

YouTube video player

Bukod sa pagvo-voice kay Smurfette, si Rihanna rin ang isa sa mga producers ng pelikula at nagsulat ng original songs para sa soundtrack nito. 

Paniguradong star-studded ang bagong Smurfs installment dahil maliban sa pop superstar, tampok din diyan sina John Goodman, Natasha Lyonne, Nick Offerman, Octavia Spencer, Sandra Oh, Amy Sedaris, Nick Kroll, at Kurt Russell. 

Ang Smurfs franchise ay nagsimula pa noong 1960s na may limang black-and-white short films. 

Makalipas ang halos tatlong dekada, muling nagbalik ang kwento sa pamamagitan ng 2011 feature film at isang 2013 sequel.

Taong 2017 naman nang magkaroon na ito ng fully animated reboot na pinamagatang “Smurfs: The Lost Village.”

Samantala, ang bagong pelikula ng “Smurfs” ay ipapalabas sa mga lokal na sinehan sa July 16.

Read more...