Bagyo posibleng wala o may isa ngayong Pebrero; Uulan dahil sa Amihan

Bagyo posibleng wala o may isa ngayong Pebrero; Uulan dahil sa Amihan

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

MAY isa o walang bagyo para sa buwan ng Pebrero.

‘Yan ang naging forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist na si Grace Castañeda kamakailan lang.

“Ngayong buwan ng Pebrero, posibleng wala or posible ding mayroon tayong isang bagyo na maaaring mabuo o pumasok sa loob ng ating area of responsibility,” sey niya sa isang online press briefing.

Paliwanag pa niya, “Ayon sa ating monthly climatology track, itong bagyo na ito ay posibleng lumapit dito sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.”

Baka Bet Mo: Alcala Mayor Tin Antonio sinisi ang PAGASA sa late forecast

“Posible rin naman na mag-curve at maging malayo sa anumang bahagi ng ating kalupaan,” dagdag pa ng forecaster.

Sakaling magkaroon ng bagyo, ito ay tatawaging “Auring,” ang unang bagyo sa bansa para sa taong 2025.

Para sa araw na ito, February 7, asahan ang epekto ng Northeast Monsoon o Amihan, pati na rin ng Easterlies at Shear Line.

Mararanasan ang scattered rains and isolated thunderstorms sa Visayas, Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, Dinagat Islands, and Surigao del Norte dahil sa Shear Line.

Nang dahil naman sa Amihan, uulanin ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Bulacan, Bataan, at ang nalalabing bahagi ng Luzon.

May panaka-nakang pag-ulan naman sa natitirang bahagi ng Mindanao na dulot ng Easterlies.

Read more...