
FULL support ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o ang KBP sa pagbibigay muli ng prangkisa sa ABS-CBN.
Ito ang kinumpirma ng abogado ng KBP na si Atty. Rudolph E. Jularbal sa isinagawang briefing ng House Legislative Franchises Committee hinggil sa franchise ng ABS-CBN nitong nagdaang February 4.
“First of all, KBP supports the grant of franchise to ABS-CBN. I would like to start by saying that ABS-CBN was a very active member of the KBP,” pahayag ni Atty. Jularbal.
Pinuri rin niya ang ABS-CBN sa kakayahan nitong mag-produce ng magandang mga palabas na kayang makipagsabayan sa kompetisyon noong sila ay umeere pa sa free TV.
Baka Bet Mo: Maja Salvador na-hurt sa joke ni Joey de Leon sa ‘Eat Bulaga’ tungkol sa prangkisa?
Hindi raw katulad ngayon na marami ngang TV networks pero hindi sila kasing galing sa paggawa ng content tulad ng ABS-CBN.
“While there are many players in the industry, if I’m not mistaken maybe more than 30, none of them has shown viability in producing competitive content, which is the name of the game.
“Now there is practically and technically a monopoly, but there are other players, except that they are not at the level of producing compelling content as ABS-CBN did,” saad pa ni Atty. Jularbal.
Suportado rin ni Rep. Johnny Pimentel ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN dahil malaki raw ang maitutulong ng kompanya sa buhay ng maraming Pilipino. Aniya, “The Filipino people deserve better.”
Sabi pa niya, ang GMA ang nakinabang noong nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ito ay batay sa pag-aaral na inilabas ng Philippine Competition Commission o PCC kamakailan.
“When ABS-CBN was airing, they were part of the Filipino culture already. We grew up with them, they gave us entertainment, they gave us information. Lahat ng kailangan na impormasyon, karamihan nanggagaling sa ABS-CBN,” dagdag na pahayag ni Pimentel.